Propaganda statement posted to PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Mar 30, 2022): I-angat ang katatagan at lakas ng masa’t rebolusyonaryong mandirigma! Mabuhay ang ika-53 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan! (Raise the stability and strength of the masses and revolutionary fighters! Long live the 53rd anniversary of the New People's Army!)
Victoria Madlangbayan
Spokesperson
Kabataang Makabayan-Laguna
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
March 30, 2022
Sa harap ng matinding desperasyon ng estado na supilin ang armadong paglaban ng mamamayan, buhay at nananatili ang Pulang mandirigma upang ipagtanggol ang mamamayan mula sa mga mapanamantalang uri. Mahigpit na yinayakap ng mamamayan ang rebolusyon bilang tanging landas tungo sa malayang lipunan at isulong ang sosyalistang layunin.
Puspos na sinasaluduhan at taas-kamaong nag-aalab ang pakikiisa ng Kabataang Makabayan Laguna sa ika-53 taong anibersaryo ng hindi magagaping mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan. Ipinagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang tagumpay sa nagdaang taon at ang ambag sa nagdaang limang dekada ng armadong paglaban. Magpunyagi at magpaunlad sa landas ng matagalang digmang bayan!
Ipinapanata ng Kabataang Makabayan Laguna na marami pang kabataan ang lalahok sa demokratikong rebolusyong bayan, i-aangat ang rebolusyon sa rurok na antas nito, at hindi patitinag na isulong ang armadong pakikibaka sa kanayunan.
Hamon sa lahat ng kasapi ng Kabataang Makabayan sa kalunsuran na tunguhin ang pakikibaka papuntang armadong paglaban. Hamon naman sa mga kabataan sa kanayunan na mahalin, yakapin, at sumanib sa hukbo at maging saligang pwersa kasama ng mga Pulang mandirigma.
Kabataan, itaas ang antas ng kamulatan!
Mabuhay ang pakikibaka ng sambayanan!
Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
#NPA53
#MasaAngLakas
#DiMagagapi
https://cpp.ph/statements/i-angat-ang-katatagan-at-lakas-ng-masat-rebolusyonaryong-mandirigma-mabuhay-ang-ika-53-anibersaryo-ng-bagong-hukbong-bayan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.