Propaganda statement posted to PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Mar 29, 2022): 49th IB ng Philippine Army, sumunod kayo sa Protocol ng Digma! (49th IB of the Philippine Army, abide by the Protocol of War!)
Florante Orobia
Spokesperson
NPA-Albay (Santos Binamera Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
March 29, 2022
Mahigpit na kinukundena ng Santos Binamera Command Bagong Hukbong Bayan – Albay (SBC BHB – Albay) ang pagpatay ng mga tropa ng 49th IB PA sa sibilyang si Armancio M. Malto, 51, may asawa at mga anak kahapon, ganap na ika-6:21 ng umaga, Marso 27 ng taong kasalukuyan sa Purok 5, Brgy. Badbad, Oas, Albay.
Nagpalipas ng gabi ang isang iskwad ng BHB malapit sa bahay ni Malto nang maglunsad ng isang strike operation ang mga sundalo. Matagumpay itong napangibabawan ng mga kasama, gayunpaman, dahil sa pikon ng mga militar, kinuha nila ang maybahay mula sa pinagkukunan nito ng tubig, isinama sa bahay niya at doon binaril na kagyat niyang ikinamatay.
Ang berdugong pagpatay na ito ng mga sundalo kay Malto ay larawan ng kanilang matinding paglabag na isinasaad sa Protocol II ng digma ayon sa Geneva Convention 1949 na hindi dapat idinadamay ang mga sibilyan sa mga labanan sa pagitan ng magkatunggaling grupo, gayundin ang mga nahuhuling mga sundalo.
Samantala, hinuli din nila ang isa pang sibilyan na si Maricris P. Reblando, 27, residente ng nasabing barangay. Dapat siyang kagyat na palayain.
Hors d’ combat naman si Franklin “ Ka Drilon” R. Roaring, 35, may asawa, at residente ng Brgy. Mayag, Oas, Albay. Dapat tumalima ang gubyerno sa mga kasunduan kaugnay sa mga bihag ng digma at ibigay ang kanyang mga karapatan. Sugatan si Ka Drilon at dapat na malapatan ng karampatang lunas.
Nananawagan ang SBC BHB – Albay sa mamamayang Albayano, na maging mapagmatyag sa mga ganitong paglabag at kagyat na ipaabot sa mga taong simbahan at mga organisasyong nagtataguyod ng kagalingan at karapatan.
https://cpp.ph/statements/49th-ib-ng-philippine-army-sumunod-kayo-sa-protocol-ng-digma/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.