Propaganda statement posted to PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Mar 31, 2022): Mabuhay ang mga rebolusyonaryong kababaihan! (Long live the revolutionary women!)
Balangay Ka Elvira
Kabataang Makabayan – Demokratiko a Tignayan kadagiti Agtutubo iti Kordilyera (KM-DATAKO)
Cordillera People's Democratic Front
National Democratic Front of the Philippines
March 31, 2022
Ngayong pagtatapos ng Buwan ng mga Kababaihan, pinagpupugayan ng Kabataang Makabayan — Demokratiko a Tignayan Dagiti Agtutubo iti Kordilyera (DATAKO) balangay ng Ka Elvira ang lahat ng mga kababaihang patuloy na isinusulong ang mga rebolusyonaryong mithiin.
Hindi maikakaila na ang Unibersidad ng Pilipinas ay lumilikha ng mga magigiting na rebolusyonaryong mga kababaihan, na tulak ng matinding krisis panlipunan, susog pa ng lumalalang diskriminasyon at pang-aabuso ay pinipiling tumahak sa landas ng armadong pakikibaka at makiisa sa isinusulong na demokratikong rebolusyong bayan na may sosyalistang perspektiba.
Sa ilalim ng krisis na kinahaharap ng mamamayan at sa kabila ng mga kaliwa’t kanang mga pangako ng pagbabago ng mga kandidatong lumalahok sa reaksyunaryong eleksyon, nananatiling sadlak ang mga kababaihan sa ilalim ng pyudal-patriyarkal na lipunan na lalo pang pinalala ng macho-pasistang Rehimeng Duterte na tiyak pang pananatilihin ng susunod na naghaharing uri. Malinaw na ang unibersidad ay lalo pang mag-aanak ng mas marami pang mga Elvira, Jennifer, Finela, at Pamela na tatangan ng armas upang ipagtanggol hindi lamang ang interes ng mga kabataang kababaihan, kundi ang malawak na interes ng sambayanan.
Hamon sa mga kabataang kababaihan ang pangunahing pagsulong ng digma na susupil sa mga batayang problemang sumasagka sa ating lipunan at kumawala sa kawing ng imperyalismo, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo, hanggang sa ganap na paglaya ng mga kasarian mula sa pang-aapi’t pananamantala tungo sa isang lipunang tunay na nagkakapantay-pantay.
Mabuhay ang kabataang kababaihan!
Mabuhay ang Kabataang Makabayan — DATAKO!
https://cpp.ph/statements/mabuhay-ang-mga-rebolusyonaryong-kababaihan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.