Propaganda statement posted to PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Mar 29, 2022): Labanan ang pasistang atake ng teroristang rehimeng US-Duterte! Itaguyod at Pakamahalin ang New People’s Army–ang hukbo ng mamamayan! (Fight the fascist attack of the US-Duterte terrorist regime! Promote and Cherish the New People’s Army – the people’s army!)
Patnubay de Guia
Spokesperson
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
March 29, 2022
Kasama ng rebolusyonaryong mamamayan at mga kaalyadong rebolusyonaryong organisasyon sa Timog Katagalugan, buong lugod na bumabati at buong tikas na nagpupugay ang NDFP-ST sa lahat ng mga opisyal sa pulitika, kadreng militar at Pulang mandirigma ng New People’s Army (NPA) sa pagdiriwang ng ika-53 anibersaryo ng pagkakatatag nito noong Marso 29, 1969. Binabati rin namin sa partikular ang mga opisyal at kasapi ng mga Milisyang Bayan (MB) at Yunit sa Pagtatanggol sa Baryo (YPB) na mahigpit na katuwang ng mga buong-panahong Pulang mandirigma ng NPA sa pagbibigay ng mga napakahalagang serbisyo sa mga magsasaka, manggagawang-bukid, mga setler at pambansang minorya. Bilang bahagi ng istruktura ng NPA, aktibo silang nagsasagawa ng pagbira sa mga palalong kaaway na naghahasik ng terorismo sa kanilang mga baryo at pamayanan. Kapuri-puri ang ipinamalas na katatagan, katapangan at kagitingan ng mga MB at YPB sa pagtatanggol sa masa ng rebolusyon sa mga baryong magsasaka at pamayanan ng mga katutubo mula sa mga atake ng pasistang tropa ng rehimeng US-Duterte. Binabati rin ng NDFP-ST ang rebolusyonaryong mamamayan sa bansa na matatag na lumalaban sa madugong gerang “kontra-insurhensya” ng pasistang rehimeng US-Duterte.
Nagbubunyi tayo sa patuloy na paglakas ng tunay na hukbo ng mamamayan sa kabila ng malulupit na kampanya ng supresyon at pagdurog ng pasista at reaksyunaryong estado sa nakalipas na 53 taon. Itinatag ang NPA noong Marso 29, 1969, sa ikalawang distrito ng Tarlac. Mula sa 65 na pulang kumander at mandirigma na nasasandatahan lamang ng siyam na ripleng awtomatik at 35 na mga single-shot na riple’t pistola, ngayon ay nakalatag na ang mga kumpanya at platung gerilya ng NPA na nasasandatahan ng malalakas na kalibre na armas sa mahigit na 100 sona at larangang gerilya sa 74 ng 81 probinsya sa bansa. Ang patuloy na paglalala ng krisis ng kapitalismo sa pandaigidigang saklaw at naaagnas na kronikong krisis ng malakolonyal at malapyudal na katangian ng lipunang Pilipino ang nagsisilbing paborableng salik para sa ibayong ng paglakas ng NPA at armadong paglaban ng sambayanang Pilipino sa susunod pang mga taon laban sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo.
Isang rebolusyonaryong tradisyon na ng taumbayan ang pagdaraos ng pagdiriwang ng anibersaryo ng NPA taun-taon sa loob ng nakalipas na 53 taon. Paraan nila ito para ipadama ang kanilang labis na pagmamahal at pagtangkilik sa kanilang tunay na Hukbo. Sa Timog Katagalugan at maging sa buong bansa, umaalingawngaw at nag-uumapaw ang kagalakan ng taumbayan sa pagsalubong at pagdiriwang sa ika-53 anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang Hukbong Bayan. Sa mga baryong magsasaka, pamayanan ng mga pambansang minorya, asyenda, komunidad ng maralitang lungsod, pabrika, eskwelahan at mga opisina, isinasagawa ang mga lihim na aktibidad para gunitain at ipagdiwang ang ika-53 na maniningning na mga taon ng pagkakatatag ng NPA. Tulad ng mga nakaraang taon, dadagsain na naman ng mga dati at bagong pwersa, kaibigan at alyado mula sa kalunsuran at mga sentrong bayan ang pagdiriwang ng anibersaryo ng NPA na isinasagawa sa mga sona at larangang gerilya sa rehiyon nang may kaakibat na paghihigpit at pag-iingat. Sa pamamagitan ng makukulay, masigla at militanteng mga pahayag ng pakikiisa, muli nilang ipadadama kung gaano nila kamahal ang NPA at kung bakit tinatangkilik at sinusuportahan nila ang Demokratikong Rebolusyon ng Bayan (DRB).
Sa gitna ng masasaya at militanteng pagdiriwang sa ika-53 anibersaryo ng NPA, muli nating pararangalan at pagkalooban ng pinakamataas na pagkilala at pagdakila ang mga martir ng rebolusyon sa rehiyon ng Timog Katagalugan na walang pag-iimbot na inialay ang kanilang tanging buhay para sa pagsusulong ng interes at kapakanan ng mga uring pinagsasamantalahan at inaapi. Pinakamataas na pagpupugay at Pulang saludo kina Kasamang Ermin “Ka Romano” Bellen; Bonifacio “Ka Nato” Magramo; Mario “Ka Jethro” Caraig; Charity “Ka Rise” Diño; Lowel “Ka Bernie” Riza Mendoza at marami pang mga kasamang martir. Kahanga-hanga ang ipinamalas nilang katapangan at dedikasyon sa piniling propesyon — ang taos pusong paglilingkod sa rebolusyon at bayan. Tunay kayong mga bayani at pinakamahuhusay na mga anak ng bayan. Ang inyong mga ginintuang alaala ng kagitingan at kabayanihan ay patuloy na magniningning sa aming mga puso at isipan. Magsisilbing tanglaw at inspirasyon ito ng mga kasalukuyang kwerpo ng kadreng militar at Pulang mandirigma ng NPA na siyang magpapatuloy ng rebolusyon hanggang sa ganap na tagumpay.
Binabati rin namin ang Communist Party of the Philippines (CPP-MLM) na siyang nagtatag ng NPA, nagsisilbing gulugod nito at nagpapatupad ng absolutong pamumuno sa NPA sa larangan ng Ideolohiya, Pulitika, Organisasyon at Militar. Ang mga tagumpay na nakamit ng NPA sa nakaraang mahigit na limang dekada ay dahil sa wasto at matatag na pamumuno ng CPP na natatanglawan ng pinakaabanteng rebolusyonaryong teorya sa daigdig — ang Marxismo-Leninismo-Maoismo. Batid ng CPP ang kahalagahan ng pagbubuo ng Hukbong Bayan dahil kung walang rebolusyonaryong hukbo ay wala ni anuman ang mamamayan.
Ang NPA ang pangunahing organisasyon ng CPP sa pagdurog sa pasista at mersenaryong armadong lakas ng reaksyunaryong estado. Inilululunsad nito ang paparaming mga taktikal na opensiba upang pinsalain at lipulin ang mahinang bahagi ng kaaway at kumpiskahin ang kanilang mga armas. Determinado at nagpupunyagi itong biguin ang inilulunsad na kontrarebolusyonaryong gyera ng rehimeng Duterte at pangibabawan ang lahat ng klase ng sakripisyo at kahirapan.
Bukod sa armadong paglaban sa kaaway, ginagampanan ng NPA ang iba’t ibang tungkulin sa pagmumulat, pag-oorganisa, pagpapakilos pangunahin sa masang magsasaka, manggagawang-bukid at pambansang minorya para sa armadong rebolusyon at pagsusulong ng Rebolusyong Agraryo (RA). Ipinatutupad ng NPA ang libreng pamamahagi ng lupa bilang maksimum na programa ng RA; pagpapababa sa upa sa lupa, pagpapataas sa sahod ng mga manggagawang bukid, pagpawi sa usura, pagpapataas sa presyo ng produktong bukid bilang minimum na programa. Isinasagawa din ang iba pang mga kampanyang antipyudal at sama-samang pagkilos upang itaas ang antas ng produksyong bukid at kita ng mga magsasaka at manggawang-bukid. Bukod dito, ang NPA ay aktibong nagsasagawa ng mga serbisyong medikal at dental saanmang baryo naroon. Naglulunsad ng mga kampanya sa literasiya at numerasiya o pagbilang, sa kalusugan at sanitasyon. Lumalahok sa produksyon upang itaas ang produksyon at kita ng mga magsasaka. Bukod dito, sa panahon ng pandemya, malawakan silang nagsagawa ng edukasyon sa saklaw nitong mga sona at larangang gerilya kaugnay sa paglaban at pag-iingat sa nakamamatay na sakit na Covid-19 hanggang sa pangangampanya sa pagpapabakuna laban dito. Kasabay ng mga tungkuling ito ang pagbibigay ng pampulitikang edukasyon at iba’t ibang pagsasanay sa hanay ng masa.
Sa panahon ng mga kalamidad na tumatama sa bansa lalo na sa mga liblib na lugar sa kanayunan, ang NPA ang unang nakapagbibigay ng tulong at saklolo sa mga magsasaka at katutubong biktima ng kalamidad. Sinusuong ng NPA ang mga kahirapan at panganib upang makapaghatid ng tulong, serbisyo at makapagligtas ng mas maraming buhay. Ni hindi inalintana ng NPA na maging sila ay biktima rin ng kalamidad. Nasa kaibuturan na ng pang-araw-araw na buhay ng NPA ang ipauna ang kapakanan at paglilingkod sa mga pinagsasamantalahan at inaapi, may kalamidad man o wala.
Bilang mahigpit na katuwang ng NDFP, pinangungunahan ng NPA ang hakbang-hakbang na pagtatatag ng mga organo ng pulang kapangyarihan ng mamamayan sa malawak na kanayunan ng bansa. Sa mga lugar na may umiiral at nakatayong lokal na organo ng Demokratikong Gubyernong Bayan (DGB), naipatutupad ang tunay na diwa ng demokrasya at paggugubyerno na pangunahing nakatuon sa paglilingkod at pagseserbisyo sa masa. Tumibay ang pagkakaisa, tulungan at disiplina ng mamamayan sa mga eryang malakas ang presensya ng NPA at may nakatayong gubyerno nila. Bumuti ang kabuhayan ng mga magsasaka dahil sa kolektibo at sama-samang paggawa sa mga lupang napagtagumpayan ng RA. Nawala ang problema sa iligal na droga, pagsusugal, mga nakawan at iba pang anti-sosyal na mga gawain. Ang mga alitan sa pagitan ng mga magkababaryo ay madaling nalulutas sa pamamagitan ng mga arbitrasyon.
Kabaligtaran naman ang lahat ng ginagawa ng reaksyunaryong AFP at PNP. Winawasak nito ang pagkakaisa ng taumbayan, binabawi ang mga napagtagumpayan ng masang magsasaka sa pagsusulong ng RA, nagpapatupad sila ng mga anti-sosyal na gawain, nagkakalat ng mga kahalayan at dekadendeng kultura lalo na sa hanay ng mga katutubo at higit ang paghahasik ng teror at kalupitan sa masa.
Malayong-malayo ang kaibahan at katangian ng NPA sa pasista, terorista at mersenaryong tropa ng AFP at PNP. Ang busilak at marubdob na pagmamahal ng NPA sa bayan ang dahilan kung bakit lubos din silang minahal at tinangkilik ng sambayanang Pilipino sa loob ng nakalipas na 53 taon. Kabaligtaran naman sa mga teroristang AFP at PNP na labis na kinasusuklaman at kinamumuhian ng malawak na masang Pilipino.
Minamahal, tinatangkilik at itinataguyod ng taumbayan ang NPA dahil sa malalim nitong dedikasyon at kapasyahan na ibagsak ang imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo at itatag ang lipunang Pilipino na malaya, demokratiko at may masaganang buhay sa lahat ng Pilipino.
Mabuhay ang ika-53 Anibersaryo ng NPA!
Mabuhay ang Communist Party of the Philippines!
Mabuhay ang National Democratic Front of the Philippines!
Mabuhay ang Uring Anakpawis!
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!
https://cpp.ph/statements/labanan-ang-pasistang-atake-ng-teroristang-rehimeng-us-duterte-itaguyod-at-pakamahalin-ang-new-peoples-army-ang-hukbo-ng-mamamayan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.