Patnubay de Guia
Spokesperson
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
July 06, 2023
Binabati ng NDFP-ST ang mamamayan ng Romblon sa nakamit nilang writ of kalikasan, isang tagumpay sa korte at dagdag balakid sa pagbabalik operasyon ng Altai Philippines Mining Corporation sa isla ng Sibuyan.
Ang positibong tugon ng Supreme Court (SC) sa petisyon ng mga taga-Romblon para sa writ of kalikasan ay resulta ng determinadong paglaban ng mamamayan. Noon pang Pebrero inihain ang petisyon para sa writ of kalikasan laban sa Altai at sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng ahensya na siyang nagpahintulot sa nasabing kumpanya na magmina sa Sibuyan. Kasabay nito ay humingi rin ang mamamayan ng temporary restraining order (TRO) upang pahintuin ang mapaminsalang operasyong pagmimina sa isla. Ang writ of kalikasan ay ligal na remedyo mula sa korte para ipagtanggol ang karapatan ng mamamayang Pilipino sa balansyado at malusog na ekolohiya (balanced and healthful ecology).
Sa desisyon ng SC noong Hunyo 13, hinamon nito ang Altai, DENR at MGB na sagutin ang reklamo ng mamamayan. Samantala, hindi ipinagkaloob ng SC ang TRO at sa halip ay ipinasa ang kaso sa Court of Appeals para sa dagdag na pag-aaral.
Nakamit ang writ of kalikasan hindi dahil sa kabutihan ng reaksyunaryong korte kundi dahil sa lawak at lakas na inabot ng pakikibakang masa sa Romblon. Matatandaang kasabay ng petisyon sa korte ang pagputok ng barikada sa Sibuyan noon ding Pebrero. Mula noon, hindi naglubay ang mga taga-Sibuyan sa pagpoprotesta at pangangalampag sa reaksyunaryong gubyerno. Hindi nila alintana na nasa likod ng Altai ang makapangyarihang pamilyang Gatchalian na sipsip sa ilehitimong rehimeng US-Marcos-Duterte.
Dapat maunawaan ng mamamayan ng Romblon na panimula pa lamang ang nakamit na tagumpay at hindi dapat magkampante ang militansya. Hindi titigil ang mga mandarambong kasabwat ang kanilang mga alipures sa naghaharing estado upang ipilit ang pagmimina sa Sibuyan. Dapat magpatuloy ang mainit na paglaban ng mga taga-Romblon at mapagmahal sa kalikasan laban sa malakihan at mapangwasak na pagmimina na banta sa kanilang minamahal na isla. Sinusuportahan ng rebolusyonaryong kilusan ang lahat ng pakikibaka para sa kagalingan ng mamamayan at pagtatanggol sa kalikasan mula sa mga gahamang mandarambong.###
https://philippinerevolution.nu/statements/tuloy-ang-laban-ng-mamamayan-ng-sibuyan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.