Saturday, July 8, 2023

CPP/Ang Bayan: Kinakasuhan kaugnay ng “terorismo,” dumarami

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jul 7, 2023): Kinakasuhan kaugnay ng “terorismo,” dumarami (Charges related to "terrorism," are on the rise)
 




July 07, 2023

Sa ikatlong taon ng Anti-Terorrism Law (ATL), nagprotesta ang iba’t ibang progresibong grupo sa harap ng tanggapan ng National Security Council sa Quezon City noong Hulyo 3. Binatikos nila ang patuloy na paggamit ng estado sa batas para lantarang supilin at patahimikin ang mga kritiko ng rehimen at mga progresibong organisasyon.

Sa Southern Tagalog pa lamang, nasa 15 indibidwal na ang kinasuhan ng paglabag sa ATL. Pinakahuli sa kanila ang dalawang tagapagtanggol ng karapatang-tao na kinasuhan noong Hunyo 26 ng 59th IB ng “pagbigay ng materyal na suporta” sa mga “teroristatng organisasyon.” Pinalalabas na lumabag sa Section 12 ng naturang batas sina Ken Rementilla at Jasmin Rubia. Ang pagkaso ng “pagtulong sa terorismo” ay dahil sa isinagawang fact-finding mission (FFM) noong Hulyo 2022 para imbestigahan ang pagpaslang ng AFP sa batang si Kyllene Casao sa Taysan, Batangas.

Idinawit din sa kaso ang pangalan ni Hailey Pecayo, tagapagsalita ng grupong Tanggol Batangan, kung saan pinalalabas na isa siya sa naka-engkwentrong Pulang mandirigma ng mga sundalo noong Hulyo 18, 2022.

Samantala noong Hunyo 29, natanggap naman ni Rev. Edwin Egar, Interim Officer ng Karapatan-Southern Tagalog, ang isang subpeona na nagsasaad ng umano’y paglabag ng pari sa naturang batas.

Naitala rin sa Central Luzon, Bicol at mga rehiyon sa Mindanao ang paggamit sa ATL para supilin at ikulong ang mga aktibista at progresibong personahe. Ang ATL din ang pangunahing salarin sa nagpapatuloy na pagsensor sa 27 website ng mga progresibong organisasyon sa internet. Arbitraryong itinalaga din ng Anti-Terrorism Council, na nilkha ng ATL, ang mga konsultant ng National Democratic Front of the Philippines at ilang mga personahe tulad ni Dr. Natividad Castro bilang mga “terorista.”

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://philippinerevolution.nu/2023/07/07/kinakasuhan-kaugnay-ng-terorismo-dumarami/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.