Saturday, July 8, 2023

CPP/Ang Bayan: Hatol sa konsultant ng NDFP at asawa, kinundena

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jul 7, 2023): Hatol sa konsultant ng NDFP at asawa, kinundena (Sentencing of NDFP consultant and his wife, condemned
 





July 07, 2023

Kinundena ng mga grupo sa karapatang-tao ang hatol na maysala ng korte noong Hunyo 29 sa matanda at maysakit na konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Frank Fernandez, 75, at kanyang asawa na si Cleofe Lagtapon, 69. Ang hatol ay kaugnay sa gawa-gawang kasong illegal possession of firearms.

Ang mag-asawa, kasama si Ge-ann Perez, ay inaresto noong Marso 24, 2019 sa Barangay Calumpang, Liliw, Laguna. Pinalalabas noon na nasamsam sa kanila ang tatlong kalibre .45 pistola, tatlong magasin at mga bala, at tatlong granada.

Sina Fernandez at Lagtapon ay nagpapagamot sa Laguna nang arestuhin. Si Fernandez ay mayroong sakit na chronic artery disease, chronic stable angina, hypertension stage 2-uncontrolled, chronic obstructive pulmonary disease, at hyponatremia, liban pa sa ibang sakit na dulot ng labis na katandaan.

Samantala, ibinalita ng grupong Karapatan na napawalang-sala ang mag-asawa sa mga kaso ng illegal possession of explosives at COMELEC gun ban. Si Perez, na kasama nilang akusado, ay ipinawalang-sala sa lahat ng mga kaso at nakalaya noong Hunyo 30.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://philippinerevolution.nu/2023/07/07/hatol-sa-konsultant-ng-ndfp-at-asawa-kinundena/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.