Patnubay de Guia
Spokesperson
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
July 06, 2023
Isinara ng Youtube at Tiktok nitong Hunyo 21 at Hulyo 3 ang dalawang account ni Apollo Quiboloy. Si Quiboloy ay sangkot sa karimarimarin na mga kaso na iniimbestigahan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa US. Noong Nobyembre 10, 2021, naglabas ang FBI ng warrant of arrest para kay Quiboloy sa mga kasong smuggling, sex trafficking at panggagahasa sa mga babae at menor de edad sa pamamagitan ng kanyang kultong simbahang KOJC.
Ang pagsasara ng mga account ni Quiboloy sa social media ay nagbigay rin ng atensyon sa kanyang pagiging ahente ng pekeng balita at disimpormasyon. Matagal nang kinasusuklaman ng mamamayan, mga netizen at cause-oriented groups ang presensya ni Quiboloy sa social media na ginagamit niya sa pagpapalaganap ng kasinungalingan at anti-mamamayang mga pananaw.
Ikinalulugod ng NDFP-ST ang konsistenteng pakikibaka ng mamamayan para sa katarungan at pagpapanagot sa peke at kriminal na pastor. Nararapat ding palakasin ang kampanya laban sa pekeng balita at disimpormasyon ng estado.
Si Quiboloy ay kaibigan at spiritual adviser ng nagdaang tiranikong pangulo na si Rodrigo Duterte. Siya ang nagtatag ng kultong simbahang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at istasyong Sonshine Media Network International (SMNI).
Malinaw na hindi katiwa-tiwala ang kriminal at pekeng pastor na si Quiboloy. Sa kulungan siya nababagay. Hindi dapat pahintulutan ang kanyang malayang paggalaw sa lipunan kasama ang pag-ere sa iba’t ibang plataporma upang makapaghasik ng lason ng kasinungalingan, pekeng balita at disimpormasyon. Sa kabila ng pagkakasara ng tatlo niyang account, umeere pa rin ang kanyang mga account sa Twitter at Facebook, ang Youtube channel ng KOJC at SMNI sa telebisyon at internet.
Ang pangangalaga ng estado at pagbibigay-sangtwaryo sa Pilipinas lalo ng rehimeng Marcos-Duterte sa katulad ni Quiboloy na kriminal ay rurok ng pagkabulok ng kultura at pulitika at palatandaan ng lumalalang impyunidad. Ginagamit ng reaksyunaryong gubyerno ang iba’t ibang daluyan ng impormasyon kabilang ang mga media platform na hawak ni Quiboloy bilang kasangkapan ng paghahasik ng kasinungalingan at teror para sa tiranikong paghahari ng teroristang estado.
Ang SMNI ay notoryus sa mga pekeng balita at disimpormasyon laluna ng paninira sa rebolusyonaryong kilusan. Pinopondohan at pinoprodyus ng NTF-ELCAC at AFP-PNP ang lahat ng programa dito kung saan regular na nagngangawa ang mga ahente ng disimpormasyon at anti-komunistang sina Lorraine Badoy, Jeffrey Celis, mga heneral ng AFP-PNP, at iba pang mga bayarang indibidwal. Sila ang nangunguna sa pang-aatake sa mga aktibista, progresibo at kritiko ng reaksyunaryong gubyerno. Binabaluktot nila ang makatarungang pakikibaka ng manggagawa sa taas-sahod, panawagang lupa ng mga magsasaka, laban ng mga drayber kontra sa jeepney phaseout, laban sa sahod ng mga kawani ng gubyerno kagaya ng mga guro at manggagawang pangkalusugan, pakikibaka ng kabataang estudyanteng naghahangad ng libre at de kalidad na edukasyon at grupong makataong naglalantad na mga kaso ng paglabag sa karapatang tao ng mamamayan. Ipinalalabas din ang pekeng pagpapasuko at talumpati ng mga taksil sa rebolusyon.
Purong basura ang inilalabas ng SMNI na kasingdumi ng budhi ng kanilang pekeng pastor. Kaya naman madulas na nagagamit ito ng rehimeng Marcos-Duterte. Magkasabwat sila sa pagsupil sa mamamayan at pagpapabango sa umaalingasaw nilang imahen. Isa ito sa mga istasyong nangunguna sa pagrerebisa ng kasaysayan ng Martial Law, paghuhugas-kamay sa krimen ng diktadura at pamilyang Marcos, mga kaso ni Duterte sa International Criminal Court at pag-eere ng mga huwad na programang pangkaunlaran ng ilehitimong rehimeng Marcos-Duterte.
Sa harap nito, nararapat na maging kritikal at higit na mapanuri ang sambayanan para labanan at kontrahin ang mga pekeng balita at disimpormasyong ikinakalat ng estado. Itutok ng mamamayan ang kanilang lakas para pahinain hanggang sa mapuksa ang mga ahente at pagawaan ng pekeng balita ng estado. Nakikiisa ang NDFP-ST sa panawagan ng mamamayang Pilipino na ilantad at iwaksi ang SMNI at iba pang daluyan ng pekeng balita sa bansa.
Higit na pasiglahin ang kampanyang edukasyon sa hanay ng mamamayan para turuan silang maging mapanuri. Ilantad ang tunay na katangian ng SMNI, mga personahe nito at NTF-ELCAC.
Ilunsad ang opensibang propaganda para itanghal ang pambansa demokratikong pakikibaka ng mamamayan laban sa papet at pasistang estado. Palaganapin ang pambansa, siyentipiko at makamasang kultura sa lahat ng daluyan para puksain ang kasinungalingan at manaig ang katotohanan at hustisyang panlipunan.
https://philippinerevolution.nu/statements/fake-news-ilantad-at-labanan-iwaksi-at-itakwil-ang-smni-at-ikulong-ang-huwad-at-kriminal-na-pastor-apollo-quiboloy/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.