July 07, 2023
Inilunsad noong Hunyo 27 sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City ang “Breaking chains, Reclaiming freedom from Marcos Sr to Marcos Jr,” isang aktibidad para ipanawagan ang agarang pagpapalaya sa lahat ng bilanggong pulitikal. Pinangunahan ito ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA) at nilahukan ng 13 organisasyon at ilang dating detenidong pulitikal ng diktadurang Marcos Sr. Sa ilalim ng diktadura, mayor na kampanya ang panawagang “Palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal!”
Ayon sa SELDA, umaabot na sa 49 ang biktima ng arbitraryong pang-aaresto at detensyon sa unang taon ni Ferdinand Marcos Jr. Kabilang sila sa 778 bilanggong pulitikal na nasa talaan ng Karapatan hanggang Hunyo 30.
Kabilang sa mga bilanggo ang mahigit 70 matatanda, 150 babae at 90 maysakit.
Sa mga rehiyon, Northern Mindanao ang may pinakamaraming bilang ng mga inaresto at idinetine (105), sunod ang National Capital Region (104), Caraga (93), Western Visayas (90) at Central Visayas (85).
Karamihan sa mga bilanggong pulitikal ay nakakulong dahil sa gawa-gawang mga kaso. Inaresto sila nang walang ligal na basehan at karamihan ay walang mandamyento de aresto. Ipiniit sila dahil sa kanilang pampulitikang paninindigan at aktibidad.
“Usad-pagong” ang pagharap at paglilitis sa kanilang mga kaso. May mga detenidong nakatapos ng maksimum na sentensya pero hindi pa rin nakalalaya dahil hindi matamang nasusubaybayan ang kanilang kaso. Madalas ito sa mga detenidong mahirap at nasa malayo ang pamilya, at walang regular na abugado.
May mga detenidong napapawalang-sala sa orihinal na kaso, pero hindi nakalalaya dahil sa pagsasampa ng “sapin-saping kaso” ng militar. May iba naman na namatay na lamang sa kulungan nang hindi nareresolba ang kanilang mga kaso.
Ginunita rin sa aktibidad ang International Day in Support of Victims of Torture. Liban sa tortyur at iba pang di makataong trato, nagtitiis ang mga bilanggong pulitikal sa mga seldang masisikip, kulang na pagkain at disapat na serbisyong pangkalusugan.
Layunin ng kampanya na makalikom ng suporta sa loob at labas ng bansa, makabuo ng network at koalisyon sa iba’t ibang entidad at makipagdayalogo sa kinauukulang mga insitusyon tulad ng United Nations.
Noong Hulyo 1, muling idinulog ng mga tagapagtanggol sa karapatang-tao ang lumalalang paglabag sa karapatang-tao sa ika-53 pulong ng United Nations Human Rights Council sa Switzerland.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://philippinerevolution.nu/2023/07/07/kampanya-upang-palayain-ang-lahat-ng-bilanggong-pulitikal-muling-pinalakas/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.