July 07, 2023
Nagsagawa ng imbestigasyon noong Hunyo 24 ang National Solidarity Mission (NSM) na binubuo ng mga kinatawan ng simbahan, magsasaka, manggagawang bukid, kababaihan, pambansang minorya, at kabataan hinggil sa masaker sa pamilyang Fausto sa Himamaylan, Negros Occidental.
Sa press conference na ginanap noong Hunyo 26, iniulat ng NSM ang resulta ng imbestigasyon hindi lamang sa kaso ng masaker kundi pati ang brutal na pagpatay kay Crispin Tingal Jr, at iba pang kaso ng pamamaslang sa isla ng Negros.
Ayon sa NSM, hindi hiwalay na insidente ang nangyari dahil lumabas sa imbestigasyon ang malalala at paulit-ulit na paglabag sa karapatang-tao sa mga sibilyan sa isla. Sa kaso ng pamilyang Fausto at ni Tingal, lahat sila dumanas ng panggigipit ng militar bago tuluyang patayin.
Isang araw bago ang pag-uulat, inaresto si Susan Medes, ang tagapangulo ng Baclayan, Bito, Cabagal Farmers and Farmworkers Association (BABICAFA), ang organisasyon na kinabilangan din ng pamilyang Fausto. Kasama si Medes sa 17 iba pang indibidwal na sinampahan ng gawa-gawang kaso ng pagpatay at bigong pagpatay kaugnay ng isang ambus na naganap sa Kabankalan City noong Mayo 2018.
Sino ang 94th IB?
Isa ang 94th IB sa mga batalyon na itinayo sa ilalim ng rehimeng Duterte. Binuo ito ng mga sundalo mula sa 4th at 6th ID ng Mindanao at 7th ID ng Luzon. Pinakawalan ito sa Negros noong 2018 sa layuning pulbusin ang rebolusyonaryong pwersa sa isla. Sa taon ding ito ipinataw ni Duterte ang batas militar sa isla ng Negros at mga rehiyon ng Bicol at Eastern Visayas sa pamamagitan ng Memorandum 32.
Mula noon, nakapagtala ang batalyon ng higit 150 kaso ng paglabag sa karapatang-tao at internasyunal makataong batas sa Central Negros. Higit sa 18,000 residente ng Moises Padilla, Isabela, Binalbagan, Himamaylan City at Kabankalan City sa Negros Occidental, at Guihulngan City, Jimalalud, Ayungon at Manjuyod naman sa Negros Oriental ang apektado ng pang-aabuso ng militar. Ang batalyong ito ang nasa likod ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa 34 na mga indibidwal, kasama ang mag-asawang Fausto at dalawa nilang menor-de-edad na anak.
Simula 2022 hanggang kasalukuyan, pinamumunuan ni Lt. Col. Van Donald Almonte ang berdugong batalyon. Si Almonte ay galing sa 303rd IB na nakabase sa Negros Occidental. Kilala siya sa mga iskemang mapanlinlang tulad ng pagpapadala ng mga liham sa mga residente ng Brgy. Buenavista noong nakaraang buwan na kunwari ay makatao at nagsusulong ng kapayapaan.
Samantala, namumutiktik ang bilang ng kaso ng paninindak at intimidasyon ng 94th IBde sa mga sibilyan. Tahasan ang militarisasyon, pwersahang pagpapasurender, iligal na pag aresto, paninira ng ari-arian, pagdukot, at pagpapalaganap ng mga kasinungalingan nito upang bigyang-katwiran ang pagkopo nito ng milyong badyet mula sa kaban ng bayan.
Iba pang tampok na kaso
Kabilang sa karumaldumal na mga krimen ng batalyon ang Oplan Sauron na sinimulan noong Marso 2019 bilang pangalawang serye ng Simultaneous Enhanced Managing of Police Operations (SEMPO) sa Negros noong 2019. Labing-apat ang pinatay at 12 ang inaresto sa “oplan” na ito.
Kilala din itong nasa likod ng pagdukot sa ilang buwan pa lamang na sanggol na di umano ay “anak ng NPA” noong Nobyembre 2020.
Pangunahing biktima ng batalyon ang mga sibilyang magsasaka. Sa isang insidente noong Enero, pinaslang nito ang isang 49-taong gulang na magsasaka sa Himamaylan City na si Jose Gonzalez dahil pinaghinalaang kasapi ng Bagong Hukbong Bayan.
Kilala rin ito sa paninira at pagsusunog ng mga bahay at ari-arian ng mga pobreng magsasaka na hinihinalaang kasapi ng BHB. Sa isang insidente noong Pebrero 2019, sinunog nila ang bahay ni Arlene Pausal, isang buwan matapos naganap ang inilunsad na taktikal na opensiba ng BHB sa Barangay Banwage, Guihulngan City.
Kabi-kabila rin ang proyektong imprastraktura na di umano’y layuning magbigay daan para mapabilis ang pagbyahe ng mga produkto direkta sa mga merkado. Ilan ang renobasyon ng daanan sa bayan ng Candoni na mayroong habang 222.8 kilometro at anim metrong lawak sa Kabankalan na magkukunekta sa kanayunan ng Ilog at tatagos sa Barangay Tapi at Magballo. Samantala, walong barangay naman sa Isabela, Negros Occidental na idineklarang “insurgency free” ang pagtatayuan ng kaparehong proyekto na nagkakahalaga ng ₱160 milyon. Ang mga ito ay bahagi ng paghahanda sa pagpasok ng mga kumpanya ng mina, enerhiya at ekoturismo sa interyor na bahagi ng prubinsya.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://philippinerevolution.nu/2023/07/07/94th-ib-sa-negros-berdugong-batalyon/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.