Monday, November 22, 2021

CPP/Ang Bayan: Pambobomba at mga pagpaslang sa Leyte

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the PRWC Newsroom Website (Nov 21, 2021): Pambobomba at mga pagpaslang sa Leyte
 


Sa ulat ng Bagong Hukbong Bayan-Leyte nitong Nobyembre, tatlong bomba ang inihulog ng FA-50 fighter jet ng militar sa mga bukirin sa Sityo Quarry sa Abuyog noong Setyembre 29, alas-3 ng madaling araw. Nagdulot ito ng takot at troma sa mga sibilyan. Dagdag na pasakit ito sa matagal nang bagsak na kabuhayan ng mga magsasaka sa lugar.

Kinabukasan, tatlong magsasaka ang iligal na inaresto ng mga sundalo ng 14th IB.

Sa Southern Leyte, pinatay ng 14th IB ang magsasakang si Marcos Dadap, 49, noong Agosto 17 sa Sityo Tabjon ng Barangay Kalagitan, Hinunangan. Kabilang si Dadap sa mga residenteng lumalaban sa bantang pagpapalayas sa kanila para bigyan-daan ang pagtatayo ng gusali ng lokal na gubyerno.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cppangbayan.wordpress.com/2021/11/21/pambobomba-at-mga-pagpaslang-sa-leyte/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.