Monday, November 22, 2021

CPP/Ang Bayan: Mga protesta

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the PRWC Newsroom Website (Nov 21, 2021): Mga protesta
 


Protesta ng mga drayber, konduktor sa Metro Manila. Nagprotesta noong Nobyembre 15 sa Quezon City ang mga drayber at konduktor na bahagi ng programang Libreng Sakay ng LTFRB upang batikusin ang mahigit isang buwan nang pagkaantala ng kumpensasyon para sa kanilang serbisyo. Nangangamba silang mawalan ng trabaho sa pagtatapos ng programa.

#HLM17. Sabay na ginunita noong Nobyembre 16 sa Tarlac at sa paanan ng Mendiola sa Maynila ang ika-17 taong anibersaryo ng Masaker sa Hacienda Luisita. Hanggang ngayon ay wala pang naparurusahan sa mga sundalo at maton na nagpaputok at pumatay sa pitong magsasaka sa asyenda. Hindi pa rin naipamamahagi ang lupa sa loob ng asyenda.

#KliMalaya laban sa pandarambong sa kalikasan. Nagrali ang mga grupong makakalikasan sa harap ng upisina ng Commission on Human Rights sa Quezon City noong Nobyembre 6. Ito ay bilang pakikiisa sa mga protestang inilunsad kasabay ng isinasagawang Conference of the Parties (COP26) sa Glasgow, Scotland. Tinawag ng Youth Advocates for Climate Action Philippines ang programa na #KliMalaya: Fight For Freedom From Climate Injustice.

Pambansang araw ng mga estudyante. Ginunita noong Nobyembre 17 ng mga grupo ng kabataan ang Pambansang Araw ng mga Estudyante sa harap ng Commission on Higher Education. Isusumite nila sa ahensya ang mga suhestyon at panawagan para sa ligtas na harapang klase. Hindi sila hinarap ng komisyuner nito sa hiningi nilang dayalogo.

Karapatan sa paninirahan, iginiit sa Taguig. Nagtirik ng mga kandila ang mga residente ng Maysapang sa Barangay Ususan, Taguig City noong Nobyembre 17 bilang pagtutol sa napipintong demolisyon sa kanilang mga tahanan ng RII-Builders at MGS Consortium. Mahigit 500 pamilya ang nanganganib na mawalan ng tirahan matapos angkinin ng Bases Conversion and Development Authority ang lupa.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cppangbayan.wordpress.com/2021/11/21/mga-protesta-5/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.