Dalawang R4 ang nakumpiska at hindi bababa sa siyam na sundalo ang nasawi sa ambus na inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros (Leonardo Panaligan Command) noong Nobyembre 3 sa Barangay Quintin Remo, Moises Padilla, Negros Occidental.
Ayon kay JB Regalado, tagapagsalita ng BHB-Central Negros, mahigit isang buwan nang nag-ooperasyon ang pinagsanib na pwersa ng 62nd IB at 79th IB sa mabundok na bahagi ng mga bayan ng Binalbagan, Isabela, Moises Padilla, Guihulngan, at La Libertad na lubhang nakaaapekto sa kabuhayan at buhay ng masa. Nakaranas ang mga komunidad ng red-tagging, pandarahas, at paninindak mula sa mga sundalo.
Samantala magkakasunod na operasyong haras naman ang inilunsad ng BHB-Central Negros laban sa mga tropa ng 94th IB. Ang una ay noong Oktubre 17, alas-2 ng hapon, sa Barangay Mandapaton, La Libertad, Negros Oriental at sinundan noong Nobyembre 9 sa Barangay Amontay, Binalbagan, Negros Occidental.
Northern Samar. Limang sundalo ang nasawi sa aksyong opensiba ng BHB-Northern Samar (Rodante Urtal Command) sa Barangay E. Duran, Bobon, Las Navas noong Setyembre 16 ng hapon.
Operasyong isnayp naman ang inilunsad ng mga Pulang mandirigma laban sa mga sundalong nanghahalihaw sa Barangay San Jose, Las Navas noong Oktubre 18. Matinding perwisyo sa buhay at kabuhayan ng mga magsasaka ang idinudulot ng mga operasyon ng mga sundalo.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cppangbayan.wordpress.com/2021/11/21/2-r4-nasamsam-ng-bhb-sa-negros/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.