Isang protestang karaban ang pinangunahan ng Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law noong Nobyembre 18. Nagsimula ang karaban sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City at tumungo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Tinawag ng mga nagprotesta na “magnanakaw, mamamatay-tao, mandarambong” ang diktador na si Ferdinand Marcos Sr. Ang paglilibing sa kanya sa Libingan ng mga Bayani ay paraan ng pamilyang Marcos para irebisa ang kasaysayan at pagtakpan ang lagim ng batas militar noong dekada 1970 hanggang 1980.
Noong araw ding iyon, nagrali ang mga aktibista ng Baguio City sa harap ng wasak na rebulto ng ulo ni Marcos Sr. sa Tuba, Benguet. Ang rebulto ay tinawag ng Bagong Hukbong Bayan sa Ilocos-Cordillera na “kababalaghan” at “pagkutya sa hustisya.” Nawasak ito matapos bombahin ng mga Pulang mandirigma noong Disyembre 29, 2002.
Nagkaroon din ng piket sa harap ng Commission on Human Rights noong Nobyembre 14 matapos ianunsyo ang tambalang Marcos-Duterte.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cppangbayan.wordpress.com/2021/11/21/marcoshindibayani-sigaw-ng-mamamayan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.