Bumuhos ang pakikiisa at pakikidalamhati sa pagkamatay ni Ka Oris (Jorge Madlos), kumander at tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), mula sa buong bansa at iba’t ibang bahagi ng mundo. Noong Nobyembre 7, isinagawa ang Internasyunal na Araw ng Pag-alala kung saan naglunsad ng mga pagpupulong na may ice cream o kamote (parehong paborito ni Ka Oris) ang mga yunit at grupo at aktibista na kumilala sa kanyang kadakilaan.
Kasabay nito, isinalin ng mga kaibigan ng rebolusyong Pilipino sa iba’t ibang lengwahe ang parangal ng Partido Komunista ng Pilipinas kay Ka Oris. Ang parangal pahayag na inilabas bilang espesyal na isyu ng Ang Bayan ay naisalin na sa wikang German, French, Russian, Chinese, Spanish, Catalan (Spain), Korean, Bahasa Indonesia, Turkish, Portuguese, Swedish at Dutch (The Netherlands). Ginawa ito para maiparating sa mas maraming bilang ng rebolusyonaryong mamamayan sa buong mundo ang kanyang buhay at kabayanihan.
Nagpaabot din ng mga mensahe ng pagkilala at pakikidalamhati ang mga komunista at rebolusyonaryong organisasyon. Kabilang dito ang mga rebolusyonaryo at progresibong grupo mula sa India, China, West Papua, Turkey, Kurdistan, Germany, France, The Netherlands, Ireland, Russia, US, Canada, Brazil at iba pang bansa.
Inilibing ang mga abo ni Ka Oris sa Surigao del Norte noong Nobyembre 20. Bilang pagkilala, inatasan ng Partido Komunista ng Pilipinas ang lahat ng yunit ng BHB na mag-alay ng ilang minutong katahimikan sa tanghaling tapat. Bago nito, nagkaroon ng 2-araw na lamay sa isla ng Siargao kung saan siya lumaki.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cppangbayan.wordpress.com/2021/11/21/ka-oris-pinarangalan-ng-mga-rebolusyonaryo-sa-buong-mundo/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.