Thursday, April 29, 2021

Kalinaw News: Pamimigay ng masustansyang pagkain sa mga Kabataan

Posted to Kalinaw News (Apr 30, 2021): Pamimigay ng masustansyang pagkain sa mga Kabataan



MARAWI CITY, Lanao del Sur- Ang 103rd Infantry (Haribon) Brigade at 12 CMO Battalion kasama ang Gawad Kalinga ay nagtulungan para maisagawa ang pamimigay ng pagkain sa mga batang nangangalakal sa Brgy Papandayan Caniogan. Ang nasabing aktibidad ay pinamunuan ni 2LT Cañete kasama ang mga kasundalohan ng 12CMO Battalion.

Ang mga pagkain na ipinamigay ay mga masustansyang pagkain na nagbibigay lakas at nutrisyon sa mga batang nagangalakal sa basurahan. Ayon sa Brgy Chairwoman ng Papandayan Caniogan na si Hon. Adelaida M Decampong, malaki ang kanilang pasasalamat at kahit papano ay ramdam nila na hindi sila nakalimutan sa banal na buwan ng Ramadan lalo na’t sila ay nag-aayuno.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan, mas madali at mas marami pa ang mabibigyan ng serbisyo sa mga nangangailangan.



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/pamimigay-ng-masustansyang-pagkain-sa-mga-kabataan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.