Thursday, April 29, 2021

CPP/NPA-Bicol ROC: Isang kwarto ng Kabiguan para sa JTFB

Posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 24, 2021): Isang kwarto ng Kabiguan para sa JTFB

RAYMUNDO BUENFUERZA
SPOKESPERSON
BICOL REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (ROMULO JALLORES COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY

APRIL 24, 2021



Walang makabuluhang tropeyong maipapangangalandakan sa publiko ang Joint Task Force Bicolandia (JTFB) matapos ang sunud-sunod na bigwas ng aksyong militar sa buong rehiyon nitong unang kwarto ng 2021. Ngayong Abril, nagkukumahog ang buong Regional Task Force To End Local Armed Conflict (RTF-ELCAC) sa pagtatakip ng kanilang mga palpak na operasyong paniktik at operasyong kombat laban sa Bagong Hukbong Bayan-Bikol. Hirit din ang kanilang silinyador sa pagbibigay-matwid sa pananalakay ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulis at mga sibilyang ahensya ng gubyerno sa sibilyang populasyon, partikular sa mga magsasaka.

Nitong Abril 5, binigo ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan-Tomas Pilapil Command ang paglusob ng 12 militar mula sa 96th IB sa Del Carmen, Lagonoy, Camarines Sur. Nagresulta ito sa pagkamatay ng hindi bababa sa apat at pagkasugat ng 5 pang militar. Ilang oras matapos nito, ginulantang din ng command detonated explosives ang isang trak na magdadagdag ng tropa na tutugis sa nakaatras nang mga kasama at magtatago sa publiko ng kanilang mga kaswalti. Abril 9, alas-5 ng hapon, isang depensibang labanan ang naganap sa pagitan ng isa pang yunit ng TPC at mga militar sa Brgy. Map-id, Lagonoy, Camarines Sur. Sa muling pagkabigo na malipol ang isang tim ng TPC-BHB, pinalalabas ng mga upisyal ng 9th ID na umaabot sa lampas 50 pulang mandirigma ang kanilang nakasagupa at madilim na nangyari ang labanan (8pm). Buong pusong nag-alay ng kanyang buhay ang isang kasama para ligtas na makaatras ang iba pa niyang kakolektibo.

Habang lalong tumitilaok ang JTFB, lalo lamang itong nasasamid sa sarili nitong mga kasinungalingan. Sa sobrang pagkalango sa kanilang mga nasamsam, nakalilimot si Maj. Gen Henry Robinson na siya at ilang platun ng militar at pulis na ligtas na nakapagpasa-pasa ng mga CDX mula sa Del Carmen, Lagonoy ang mismong patunay kung gaano katotoong puputok lamang ang mga ito kapag ikinumand. Ang labag sa mga internasyunal na batas ng digma ay ang mga bombang walang pagtatangi sa kanilang mga target. Nangangatal ang labi ng buong institutisyon ng mersenaryong hukbo dahil batid nilang walang ibang target ang CDX ng BHB kung hindi ang kanilang hanay.

https://cpp.ph/statements/isang-kwarto-ng-kabiguan-para-sa-jtfb/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.