Posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 30, 2021): Panghahalihaw ng militar sa Southwest Negros
ANDREA GUERREROSPOKESPERSON
NPA-SOUTHWEST NEGROS
NEGROS ISLAND REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (APOLINARIO GATMAITAN COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
APRIL 30, 2021
Kasalukuyang nagsasagawa ng operasyong kombat ang hindi-mabilang na tropa ng militar sa ilalim ng 15th Infantry Battalion sa Sityo Payranan, Brgy. Pinggot, Bayan ng Ilog, Negros Occidental na nagsimula pa noong Abril 24, 2021.
Sa ulat na nakuha ng Armando Sumayang Jr. Command-New People’s Army (ASJC-NPA), tinatakot ng mga nasabing tropa ng militar ang mga residente sa lugar at pwersahan din silang pinagbabawalan na lumabas ng kanilang mga bahay.
Samantala, noong Abril 23 hanggang Abril 27, 112021 nagsagawa din ng opreasyon kombat at Focused Military Operation (FMO) ang pinagsanib na pwersa ng 15th IB at 11 IB sa Sityo Lin-ab at Sityo Taya-o ng Brgy. Narra at Sityo Malabago ng Brgy. Tambad, Bayan ng Cauayan, Negros Occidental.
Pwersahang pinapatawag ang mga residente sa nasabing lugar at pinipilit ng mga tropa ng militar na magsurender. Meron ding kaso ng pananakot kung saan may isang residente na pinadalhan ng “warning” ng militar kung hindi pa rin makipag-kaisa sa kanila ito ang pinagbabantaang patayin.
Mariing kinokondena ng ASJC-NPA ang malupit na mga aktibidad ng AFP sa lugar dahil bukod sa nagdudulot ito ng takot at pangamba sa mga mamamayang tahimik na namumuhay sa lugar, nakakaperwisyo ito sa araw-araw na paghahanap-buhay ng mga residenting labis na naghihikahos bunga ng kriminal na kapabayaan at kapalpakan ng rehimeng Duterte sa krisis pangkalusugan at ekonomiya na kinakaharap ng bansa.
Matatandaang isa ang isla ng Negros sa usapin ng talamak na bilang ng mga kaso ng pwersahan at pekeng pagpapasurender sa mga mamamayan kung saan nagsilbi na itong gatasan ng mga opisyal ng militar na naghahabol ng mga reward money at mas mataas na posisyon at magkamal ng malaking pondo mula sa kaban ng gobyerno. Bahagi ng marumi at pasistang gyera na hinahasik ng tiranikong rehimeng US-Duterte sa mga komunidad ng mga magsasaka sa desperasyon nitong itayo ang kanyang diktadurang paghari.
Nananawagan ang ASJC-NPA sa lahat ng mga mamamayan ng South-Negros na ilantad at tutulan ang lahat ng maruming eskima ng mersenaryong AFP/PNP sa mga komyunidad. Gayundin sa gobyerno lokal ng Cauayan at Ilog lalong-lalo na sa mga institusyon ng karapatang pantao na magsagawa ng imparsyal at sariling imbestigasyon ukol sa mga paglabag sa karapatang pantao at mga pinsala ng militar sa mga nasabing lugar.
Sa harap ng lumalalang pasismo ng rehimeng US-Duterte, nararapat na lalong tumindig at lumaban! Makibaka at huwag matakot! Patuloy na magka-isa at biguin ang madugong gyera ng rehimen laban sa mga mamamayan!
https://cpp.ph/statements/panghahalihaw-ng-militar-sa-southwest-negros/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.