Thursday, April 29, 2021

CPP/NPA-Sorsogon: Kaligtasan ng mga surenderee nasa kamay ng estado—Ka Samuel Guerrero

Posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 25, 2021): Kaligtasan ng mga surenderee nasa kamay ng estado—Ka Samuel Guerrero

SAMUEL GUERRERO
SPOKESPERSON
NPA-SORSOGON (CELSO MINGUEZ COMMAND)
BICOL REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (ROMULO JALLORES COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY

APRIL 25, 2021



“Desisyon ng gubyerno kung talagang ayaw nito na malagay sa panganib ang buhay ng mga sumusukong NPA” ito ang pahayag ni Ka Samuel Guerrero, tagapagsalita ng Celso Minguez Command, NPA Sorsogon hinggil sa panawagan kamakailan ni Maj. Gen. Henry Robinson Jr., kumander ng Joint Task Force Bicolandia at ng 9th Infantry Division, sa CPP-NPA sa rehiyon na tigilan na ang pagpatay sa mga sumukong NPA na aniya’y nagbabagong-buhay na at namumuhay nang tahimik.

Paglilinaw ni Ka Samuel Guerrero “walang polisiya ang rebolusyonaryong kilusan ng pagpatay sa mga dating kasamang sumusuko sa reaksyunaryong gobyerno. Boluntaryo ang pagsapi sa NPA kaya nasa pasya ng bawat indibidwal na kasapi ang pag-alis sa organisasyon kapag hindi na nila kaya ang sakripisyo ng buhay-gerilya o hindi na nila kayang tumalima sa bakal na displina ng hukbo. Kanilang-kanila rin ang desisyon kung ano ang nais nilang gawin matapos umalis sa Pulang hukbo.”

Ayon pa kay Ka Samuel Guerrero “Hindi ang pagsurender ang dahilan ng parusang ipinataw sa mga dating NPA na sina Antonio Benzon Jr. alyas Hazel, Michael Donaire alyas Abe at Norbert Bandojo Jr. alyas Patrick. Pinarusahan sila dahil sa pagtataksil nila sa rebolusyon na ginawa nila sa pamamagitan ng pagsasalong ng mga baril na pag-aari ng CPP-NPA, aktibong paglahok sa mga combat at intelligence operation ng AFP at PNP, at panggigipit at pagpatay sa mga pinagbibintangang kaanib ng rebolusyonaryong kilusan.”

Dagdag pa ni Ka Samuel Guerrero “Ang mga surendering nabanggit ay ipinahamak ng mismong estadong nagpasuko sa kanila. Kung hindi sila ginamit ng AFP at PNP sa armadong kontrarebolusyon, hindi sana sila naging lehitimong target ng NPA.”#

https://cpp.ph/statements/kaligtasan-ng-mga-surenderee-nasa-kamay-ng-estado-ka-samuel-guerrero/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.