July 05, 2023
Nagsimula noong Hulyo 2 at tatakbo hanggang Hulyo 21 ang ikalawang serye ng Cope Thunder, war game na nilalahukan ng Philippine Air Force (PAF) at US Air Force sa bansa. Hindi bababa sa 225 ang kabuuang bilang ng mga sundalo ng US at Pilipinas ang lalahok sa naturang ehersisyong militar.
Ang Cope Thunder ay itinulak ng US Pacific Air Force para pahigpitin ang operational control nito sa PAF sa ngalan ng “interoperabilidad.” Liban dito, pagkakataon din ang war game para ilako ng US ang mga eroplanong pandigma nito, na pinaglalawayan naman ng matataas na heneral ng AFP.
Tulad sa naunang serye nito noong Mayo 1 hanggang Mayo 12, inilulunsad ang pagsasanay sa Clark Air Base sa Pampanga, Mactan Air Base at iba pang mga paliparan sa Pilipinas. Sasanayin ng dalawang pwersang militar sa war game ang paggamit nito ng C-130 Hercules, A-10 Warthogs, at F-22 Raptors.
Huling inilunsad ang katulad na pagsasanay noong dekada 1990 bago ibinasura ng Senado ang kasunduan para sa pananatili ng mga base militar ng US sa bansa.
Sa unang serye ng Cope Thunder, sinabi ng tagapagsalita ng Philippine Airforce na ang unang serye ay para sa mga depensibong aksyon, habang ang pangalawa ay nakatuon sa mga operasyong opensibo. Ang mga opensibong atake ay nakatuon para sa mga mga “kaaway na target” sa ere at sa lupa.
Tulad ng Balikatan at karagdagang mga “pinagkasunduang lokasyon” ng mga base militar ng US sa bansa sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement, ang Cope Thunder ay kabilang sa estratehiyang pang-uupat ng US laban sa katunggaling imperyalistang bansang China.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/ikalawang-serye-ng-cope-thunder-inilunsad-ng-pwersang-panghimpapawid-ng-us-at-pilipinas/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.