July 05, 2023
Laman ng balita kamakailan ang pag-iinspeksyon ng 17th IB ng Philippine Army at lokal na gubyerno sa bayan ng Flora sa Upper Atok, Flora, Apayao noong Hunyo 28-29 sa 50-ektaryang lupa sa barangay. Ito ay para sa planong itayong kampo militar sa naturang barangay.
Taliwas sa pinalalabas na kapayapaang ihahatid ng kampo militar, pinsala at kaguluhan sa buhay ng mga residente ang palaging naiuulat na dala ng mga kampo militar sa iba’t ibang prubinsya. Maraming pagkakataong inirereklamo ng mga residente ang kaguluhan, anti-sosyal na mga aktibidad at krimen na dala nito. Sa ilang lugar, natutulak ng mga residente na palayasin ang nagkakampong mga sundalo na itinuturing na peste sa kanilang lugar.
Noong 2021, naiulat sa Quezon sa Southern Tagalog ang pitong pagkakataon na nagpalayas at pinigilan ng mga residente ang pagtatayo ng mga kampo militar sa kani-kanilang mga barangay. Isinagawa ng mga residente ang sama-samang pagtindig sa mga barangay sa bayan ng Lopez, Macalelon at General Luna.
Reklamo ng mga residente na lagi’t-laging naiistorbo ang buong komunidad dahil sa presensya ng mga sundalo sa lugar. Hindi na sila makatrabaho sa kanilang sakahan at makapasyal sa mga gubat dahil sa walang awat na operasyong militar.
Sa isang kaso sa Barangay San Francisco-B, Lopez, pinangunahan ng mga kagawad at tanod ng barangay ang pagharang sa planong pagtatayo ng mga kampo militar noong Agosto 7, 2021. Sama-samang pinalayas ng mga residente ang mga tropa na magtatayo ng detatsment. Ayon sa mga upisyal, agad na nagpaabot ng reklamo ang mga residente dito nang mabalitaan nila ang plano ng militar.
Sa Abra, sama-samang kumilos noong Pebrero 21 ang mga magulang at guro ng Mataragan National Agricultural School sa Barangay Mataragan, Malibcong laban sa mga sundalong nagkakampo sa loob mismo ng paaralan. Anila, banta ng mga ito sa seguridad ng mga bata. Matagumpay nilang napalayas ang mga sundalo.
Matagal nang nakikipagsabwatan sa AFP ang lokal na gubyerno ng Abra. Maaalalang noong huling kwarto ng 2020 ay naglabas na “kill order” si Apayao Provincial Governor Elias Bulut Jr. Ayon sa atas, bibigyan niya ng pabuya ang sinumang makadadakip o makapatay ng isang kasapi ng rebolusyonaryong kilusan. Ang atas na ito ay tahasang nagtutulak at nanghihikayat ng ekstrahudisyal na pamamaslang at labag sa mga karapatang-tao at internasyunal na makataong batas.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/mga-kampo-militar-sa-kanayunan-salot-sa-mamamayan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.