Wednesday, July 5, 2023

CPP/NPA-East Cagayan: Pananalasa ng 2,000 AFP-PNP tropa sa East Cagayan: Pagbibigay daan sa EDCA

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jul 5, 2023): Pananalasa ng 2,000 AFP-PNP tropa sa East Cagayan: Pagbibigay daan sa EDCA (Analysis of 2,000 AFP-PNP troops in East Cagayan: Giving way to EDCA)
 


Estrella Roja
Spokesperson
NPA-East Cagayan
Cagayan Valley Regional Operational Command (Fortunato Camus Command)
New People's Army

July 05, 2023

12 Abril 2023 | Nagsunog ng bilyun-bilyong pera ng bayan ang Northern Luzon Command (NoLCom) at 5th Infantry Division Philippine Army (IDPA) sa mahigit dalawang buwang kampanyang search and destroy nito sa prubinsya ng Cagayan. Ginamit ang tatlong batalyon ng Philippine Army sa ilalim ng 501st Infantry Brigade at dalawang batalyon ng Marine Battalion.

Sa kabuuan, hindi bababa sa 2000 pinagsama-samang tropa ng AFP, PNP, CAFGU, Marines at special forces o isang kumpanya sa isang tipak ng baryo ang ipinakat sa walong bayan ng East Cagayan. Pangunahing diin nito ang bayan ng Baggao kung saan may militanteng pagkilos ang masa laban sa usura, gayundin ang mga laylayan ng Northeast Cagayan kung saan ipoposisyon ang sinasabing radar base ng US sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Layunin ng kampanya-militar na ubusin ang “natitira” pang NPA sa prubinsya, bahagi ng di matapus-tapos na target ng bulok na estado na pabagsakin ang rebolusyonaryong kilusan sa bansa, at magsilbing suportang panseguridad sa pinakamalaking ehersisyo ng Balikatan.

Pinadapa ang naturang mga komunidad sa takot at ligalig nang apat na beses nitong bombahin ang kanilang mga bukirin at pamayanan sa loob lamang ng 45 araw. Ito ay sa gitna ng matinding pagdarahop ng mga magsasaka matapos ang sunud-sunod na hagupit ng bagyo. Nagdulot ito ng malawakang dislokasyon at sapilitang pagpapalikas sa hindi bababa sa 350 pamilya. Ginawang tabing ang mga armadong sagupaan sa pagitan ng NPA-East Cagayan at mga militar upang bigyang-katwiran na gawing free-fire zone ang mga baryo ng Agaman, Sta. Margarita, Hacienda Intal at Asinga Via alinsunod sa utos ng 5th IDPA, kasabay ng pagsasara ng mga tourist spot sa nasabing mga lugar.

Desperado ang rehimen at ang AFP-PNP na supilin ang malawak na pagtutol ng mamamayan sa base militar ng EDCA. Batas militar ang naghari sa mga komunidad upang tabunan ang umaalingawngaw na opinyong publiko na tumutuligsa at bumabatikos sa lantarang pagtataksil sa bayan ng rehimeng US-Marcos II. Kung anu-anong pakitang-tao at hungkag na programa ng iba’t-ibang ahensya ang ibinubuhos ngayon sa rehiyon upang pabanguhin ang EDCA at ikondisyon ang isip ng mamamayan.

Kung mayroon mang nakinabang sa walang-puknat na mga FMO, ito ay walang iba kundi ang imperyalismong US at mga naghaharing-uri na mga malalaking kumprador burgesya at panginoong maylupa. Higit kanino man, sila ang may pinakamalaking interes na durugin ang rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon at supilin ang nagkakaisang paglaban ng mga mamamayan laban sa pagtatayo ng base militar ng US sa ilalim ng EDCA. ###

https://philippinerevolution.nu/statements/pananalasa-ng-2000-afp-pnp-tropa-sa-east-cagayan-pagbibigay-daan-sa-edca/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.