Bienvenido Magalat
Spokesperson
NPA-Cagayan (Henry Abraham Command)
Cagayan Valley Regional Operational Command (Fortunato Camus Command)
New People's Army
July 05, 2023
17 Hunyo 2023 | Walang dapat ipagmayabang ang 501st Infantry Brigade Philippine Army sa mga “accomplishment” nito laban sa rebolusyonaryong kilusan sa Cagayan. Imbento na nga ang mga numero, napakaliit pa nito kumpara sa bilyun-bilyong kabang-yaman sana ng mamamayang Pilipino na nilustay ng brigada para sa halos kalahating-taong focused military operation (FMO) sa prubinsya na kinatangian ng serye ng mga indiscriminate aerial bombardment at malawakang okupasyong militar ng 2,000 tropa kasama ang PNP at CAFGU sa mga komunidad at pamayanan. Matatandaang buong-pagmamalaki nitong ibinahagi sa Facebook, na tinanggal din kalaunan, ang accomplishment report sa loob lamang daw ng 92 araw—mga pinatay, dinakip na hindi idinaan sa due process at mga armas na “isinuko” ng mga dating myembro ng NPA.
Gawa-gawa at recycled na mga datos
Nauna nang inilinaw ng NPA-East Cagayan (Henry Abraham Command) na wala ni isang nasawi sa hanay ng NPA matapos ang sagupaan sa pagitan nito at ng 95th IB noong Pebrero 3 sa Sityo Birao, Hacienda Intal, Baggao taliwas sa deklarasyon ng 501st IBde sa body count ng kanilang mga “nanyutralisa.” Ang totoo, gustong bigyang-katwiran ng 501st IBde at TOG2-PAF ang ginawang pambobomba sa mga sakahan at komunidad ng Birao at Regga-ay na umani ng galit at pagkundena mula sa mga residente at sa iba’t ibang grupo at organisasyon. Matatandaang nagresulta ito sa sapilitang paglikas ng 149 pamilya o halos 300 indibidwal.
Makikita rin sa ulat ng brigada na mayroon silang idineklarang tatlong nahuli—isang kalihim ng komiteng larangan, isang giyang pampulitika at isang iskwad lider. Kabilang dito sina Cedrick Casano at Patricia Cierva na pagkatapos dakpin at itago sa publiko ng 17 araw ay iprenisenta bilang mga “surenderi” sa press conference ng PTF-Elcac noong Hunyo 2. Napilitan ang AFP na ilitaw sina Casano at Cierva dahil sa malakas na panawagan ng mga unibersidad, organisasyon at mga kaibigan na ilitaw sila ng mga militar.
Hindi lang sina Casano at Cierva ang tinatakan bilang mga “surenderi.” Gayundin maging ang ilan pang nadakip, sa layuning magkaroon ng epektong bandwagon ng surender at demoralisahin ang rebolusyonaryong pwersa at base, mga alyado at kaibigan. Madaling maunawaang sasabihin nila Casano at Cierva na kusa silang sumuko dahil hawak sila ng kaaway at nasa balag ng alanganin ang kanilang buhay sa kamay ng AFP na malamang pa na ibunton ang sisi sa NPA.
Mayroon din yaong umalis na sa pormasyon, naghangad lamang ng buhay-sibilyan at walang balak magsurender, subalit hindi natupad ang pagnanais na makapiling ang kanilang mga pamilya dahil sa halip na sa tahanan ang uwi nila, sila ay dinakip, ipinaradang surenderi at ikinulong sa mga kampo. Bagamat mayroon din talagang iilang nagsurender na inaaliw sa mga panandalian at pansamantalang “ginhawa” at “magandang pakikitungo” na mabilis ding kukupas kapag wala na silang pakinabang sa mga kasundaluhan.
Sa katunayan, sa 21 na idineklara ng PTF-Elcac na “nagbalik-loob” sa unang-hati ng taon, lima ang deklaradong nadakip, lima ang recycled o taon nang wala sa hukbo pero paulit-ulit pa ring laman ng balita, samantalang ang iba ay tinugis noong sila ay umalis sa pormasyon at nakuha ng militar sa iba’t ibang sirkumstansya at kaparaanan.
Maliban sa mga tao, gawa-gawa rin ang kwento sa kung paano napasakamay ng AFP ang mga baril na iprenisenta kasama nila Casano at Cierva at ng iba pa sa naturang presscon. Ayon sa Regional Operations Command ng NPA-Cagayan Valley, wala pa sa sampung baril ang nasamsam ng kaaway mula sa mga depensibang labanan. Ngunit maging ang mga ito ay kinategorisa na mga “isinuko” ngunit sa katunaya’y nauulit-ulit na ipinarada tulad ng mga baril na itinanim sa mga dinakip o sa mga ‘nanlaban’ na pinaghihinalaang sangkot sa droga. Ang totoo, wala namang hukbo na talagang kusang nagsuko ng armas.
Maaaring may ilang nawalan ng kapasyahang lumaban ngunit dapat ding tukuyin na sa aktwal na mga labanan, maging yaong nasa kaaway ang inisyatiba, ay hindi nawalan ng loob ang mga kasama. Bagkus, nagpamalas ang mga kumander at mandirigma ng di-matatawarang katapangan at kabayanihan sa mga labanan, sa hirap at sakripisyo, kahit pa kamatayan.
Teroristang paninibasib
Sa kabilang panig, ang mga numero at larawan na mistulang tropeyo ng kasundaluhan ay naani sa pamamagitan ng pagpapataw ng dahas at kamay na bakal at paghahasik ng takot at ligalig sa mga magsasaka sa kanayunan. Nakamit ng 501st IBde ang naturang mga accomplishment sa kapahamakan ng mamamayan ng Cagayan.
Sinindak ng 5th ID at ng Task Force Tala ang mga magsasaka nang ideploy sa mga kagubatan, sakahan at kabahayan ang hindi bababa sa 2,000 pinagsamang tropa ng AFP, PNP, CAFGU at special forces sa East Cagayan lamang na may diin sa mga bayan ng Baggao, Gattaran, Sta. Teresita at Gonzaga. Sa kabila ng walang kamatayang-deklarasyon ng NoLCom na “wala nang kakayahang lumaban at tira-tira na lang” ang NPA sa rehiyon, ginasgas at pinagod nito ang apat na batalyon upang tugisin at durugin ang rebolusyonaryong kilusan.
Sa loob lamang ng tatlong buwan, mula Pebrero hanggang Mayo, nagpakawala na ito mula sa himpapawid ng hindi bababa sa 30 pinagsama-samang bomba, rockets at kanyon o halos dalawang beses kada buwan na teroristang atake mula sa ere.
Tinatanaw ng 501st IBde na karangalan at prestihiyo ang pagkawasak sa kabuhayan at kinabukasan ng mga mamamayan lalo na ng mga bata at matatanda na hindi na pinapatulog ng traumatic na karanasan. Hindi lang isang beses na tumigil ang pasok sa mga eskwelahan dahil sa takot sa mga airstrike at naantala ang mga gawain sa bukirin dahil sa pagkontrol sa malayang pagkilos ng mga magsasaka.
Nagmukhang tanga at kasuklam-suklam ang AFP dahil pagkatapos nitong bombahin ang kanilang mga komunidad at sapilitan silang palikasin, bibigyan sila ng kakarampot na limos o relief upang maghugas-kamay sa krimen na ginawa. Ito ang mukha ng “good governance” ng estado sa kanayunan sa pamamagitan ng NTF-ELCAC.
Nagkukumahog ang NoLCom na kamtin ang deadline na tapusin ang insurhensiya sa Cagayan Valley sa unang hati ng taon nang sa gayun ay gawing “war zone” ng US ang Northeast Luzon at tuluyang ipasungalngal ang bansa sa dobleng kapahamakan—proxy war o launching pad ng pre-emptive strike ng US sa China at masaklap na unang tatanggap sa ganti o atake ng China.
Walang dapat ipagmayabang ang 501st Infantry Brigade Philipinne Army sa kanilang mga “accomplishment” laban sa rebolusyonaryong kilusan sa Cagayan. Makapatay man sila at makadakip ng ilang rebolusyonaryo, hindi nila mapapatay o mapapahinto ang rebolusyon sa bayang lubhang nagdarahop at supil ang mamamayan. Mahalaga ang kantidad subalit ang mapagpasya ay ang kapasyahang ipagwagi ang dalawang-yugtong rebolusyon.
https://philippinerevolution.nu/statements/ang-katotohanan-sa-likod-ng-mga-numero-ng-501st-infantry-brigade/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.