Celia Corpuz
Spokesperson
NDF-Cagayan
NDF-Cagayan Valley
National Democratic Front of the Philippines
July 05, 2023
Sukdulang kinukundena ng National Democratic Front-Cagayan (NDF-Cagayan) ang paglapastangan ng kasundaluhan ng 77th Infantry Battalion Philippine Army na pinamumunuan ni Lt. Col. Magtangol Panopio, sa isa na namang kaso ng paghuhukay sa mga labi ng bayani at martir ng Bagong Hukbong Bayan.
Tahasang paglabag sa internasyunal na makataong batas ang paggamit sa bangkay o mga labi ng isang tao para gawing tropeyo at pampropaganda. Kasuklam-suklam ang 77th IBPA sa paglulubid ng kwento upang ipawalang-kabuluhan ang naging buhay at pakikibaka ni Francisco “Ka Gundo” Reyes sa dalawang dekada nitong paglilingkod sa masang anakpawis na walang hinintay na anumang kabayaran o kapalit.
Higit sa lahat, walang karapatan ang 77th IBPA na angkinin ang karangalan o prestihiyo sa pagkatunton sa libingan ni Ka Gundo dahil namatay siyang lumalaban at ni isang saglit ay hindi hinayaang magtagumpay ang kaaway na kunin sa kanya ang rebolusyonaryong optimismo at kapasyahang lumaban. Sa kabiguan ng 5th Infantry Division Philippine Army na durugin at ubusin ang “natitirang NPA” sa Cagayan, ang mga wala nang buhay ang kanilang tinutugis. Bagay na hindi nakapagtataka bakit nila tyinaga ang mahigit tatlong araw na lakad papunta sa lugar na hindi kayang lapagan ng kanilang helikopter.
Nagbuwis ng buhay si Ka Gundo sa kasagsagan ng mahigpit na kampanya at operasyong militar ng Northern Luzon Command (NoLCom) noong ika-30 ng Marso 2023. Nahulog siya sa bangin habang nangunguha ng bilagot o pikaw (wild taro) para sa hapunan. Sinubukan siyang lapatan ng paunang-lunas ng mga kasama ngunit fatal ang sugat nito sa ulo na tumama sa matulis na bato. Para na rin sa medical purposes, kinunan ng litrato ang kanyang sugat. Taliwas ito sa pahayag ng Manila Bulletin na nasawi siya sa labanan noong Marso 17 at higit lalo sa paglulubid-buhangin ng 77th IBPA na nahulog si Ka Gundo habang tumatakas. Sabagay, mas madali sa kasundaluhan na manira kaysa patampukin ang kabayanihan at katapangan ng kanilang kalaban.
Pinapabulaanan din ng NDF-Cagayan ang pahayag ni LtC Panopio na inabandona at hindi inilibing, bagkus ay tinabunan na lamang ang bangkay ni Ka Gundo. Ang mismong pagkakuha ng mga militar sa kanyang buong mga labi na mahusay na nabalot ng malong, plastic at kawayan kasama ng kanyang rekord o pagkakakilanlan, at nakalibing sa mahusay na kalupaan ay sapat nang patunay para ipawalang-saysay ang kanilang mga paninira. Siguradong maging ang mga tropang naghukay kay Ka Gundo ay namangha at naantig sa kung paano pinahalagahan ng hukbong bayan ang isang kasamang namayapa kahit payak lang ang puntod nito.
Dagdag pa rito, pormal na ihinarap sa Sangay ng Partido sa lokalidad nila Ka Gundo ang nangyari sa kanya at ipinaliwanag ang sitwasyong militar kung bakit hindi kinayang mai-uwi ang kanyang mga labi. Sa kanilang baryo at mga yunit ng BHB, ginawaran siya ng pinakamataas na parangal at pulang saludo, bago pa nilapastangan ng militar ang kanyang mga labi.
Hindi matatawaran ang mga naging ambag, sakripisyo at pagsisikap ni Ka Gundo sa pagsusulong ng matagalang digmang bayan sa lalawigan ng Cagayan. Hindi siya natinag sa mga kahirapan at suliraning kinaharap ng hukbo at ng Partido sa buong rehiyon mula pa noong Oplan Bantay Laya II hanggang sa Oplan Kapatanagan; kasama siya sa paghina, paglakas, paghina ulit, at pagpapanibagong-lakas ng BHB sa East Cagayan at; hindi nawalan ng loob sa harap ng matinding operasyong at kampanyang pagtugis at pagdurog sa rebolusyonaryong kilusan na sinulsulan ng US. Kilala si Ka Gundo ng masa at mga kasama bilang “baker king” dahil sa galing nitong gumawa ng tinapay at magluto ng mga putaheng Ilokano. Ngunit hindi sa lahat, tumatak siya sa puso at isip ng masa dahil sa katatagan, kababaang-loob at pagiging malapit sa kanila.
Napakalaking insulto sa NoLCom at 5th IDPA ang mga katulad ni Ka Gundo na mas piniling suungin at pangibabawan ang mga sakripisyo at kamatayan kaysa sumuko sa kaaway at ibigay sa kanila ang karangalan ng ilang dekadang pagpapakasakit. Dakilang halimbawa si Ka Gundo sa lahat, maging sa kaaway, na hindi mahahadlangan ng pananabotahe at economic blockade ang kapasyahan ng mamamayan na lumaban, kahit pa mangahulugan ng gutom, pagod, at pag-aalay ng buhay.
Nakatanghal ang mga ng sandata ng BHB-Cagayan at iginigawad ang pinakamataas na parangal kay Ka Gundo, Ka Arrow (Ray Busania), Ka Aika (Lennel Domais), Ka Sungsong, Ka Jovani (Jomar Andel), Ka Jojo (Paolo Macaraeg)—na walang-pag-iimbot na nakibaka at nag-alay ng buhay—at sa lahat ng mga bayani at martir ng rebolusyon. Ang kanilang mga alaala ay nagsisilbing tanglaw sa pagtahak sa mahirap na landasin patungo sa maningning na hinaharap kahit pa pag-alayan ng buhay.
Iba-iba man ang paraan ng kamatayan—may nabubuwal sa labanan, may namamatay sa sakit, sa gutom, sa katandaan, at sa aksidente—hindi ito ang nagtatakda ng pagiging bayani, kundi ang paglilingkod sa sambayanang pinagsasamantalahan at inaapi, hanggang sa huling hininga.
Ano pa mang pamamaluktot ang sabihin ng 77th IBPA, bigo itong dungisan ang kadakilaan ni Ka Gundo.Sabi nga ng isang kasabihang Tsino, “Natural na lalangawin ang bangkay ng mga magigiting na mandirigma. Ngunit ang mandirigma kung mamatay ay mandirigma pa rin. Ang mga langaw patay man o buhay ay langaw lamang.”
Mabuhay ang buhay at alaala ni Ka Gundo!
Mabuhay ang buhay at pakikibaka ng lahat ng mga rebolusyonaryong martir!
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!
Mabuhay ang sambayanang lumalaban!
https://philippinerevolution.nu/statements/bigong-pag-ubos-at-pagdurog-sa-npa-ibinabaling-sa-desperadong-paghuhukay-sa-mga-martir/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.