July 06, 2023
Naglunsad ng kilos protesta ang mga grupong nagsusulong ng kalayaan sa pamamahayag sa harap ng National Intelligence Coordinating Agency sa Quezon City noong Hulyo 3 upang kundenahin ang ikatlong taon ng pagsasabatas ng Anti-Terror Law.
Ayon kay Neil Eco ng Altermidya Network: “Tapos na ang panunungkulan ni Duterte, pero nagpapatuloy ang paggamit sa Anti-Terror Law para supilin ang mga nagpapahayag ng katotohanan.”
Tinukoy ng mga grupo na ang naturang batas ay isa sa mga dahilan kung bakit nakararanas ng pagsikil sa mahigit 27 website ng mga progresibong organisasyon at media oulet na nagsusulong ng alternatibong pagbabalita.
“Pagkatapos ng tatlong tatlong taon, napatunayan natin na ginamit ang Anti-Terror Law para maghasik ng takot sa mamamayan. Lahat ng nagsasabi ng katotohanan, kritisismo, at mga karaingan ay binabansagang ‘terorista,'” wika ni Len Olea, mamamahayag mula sa Bulatlat at National Union of Journalists of the Philippines.
Ayon sa grupo, tahasan ang pambubusal hindi lamang sa paraan ng pagsesensor (censorship) kundi pati sa aktwal na pang-aaresto sa mga mamamahaya, tulad ni Frenchie Mae Cumpio ng Eastern Vista na nakabase sa Samar. Patong-patong ang gawa-gawang kasong isinampaya sa kanya.
“Dapat ibasura ang Anti-Terror Law, palayain si Frenchie Cumpio, i-unblock ang 27 websites bunsod ng blocking order ng National Telecommunications Commission, at itigil na ang censorship,” pagdidiin ni Olea.
Ginagamit rin ito laban sa mga manggagawa na nananawagan para sa kanilang lehitimong karapatan sa dagdag na sahod at karapatan sa pag-uunyon. “Nagbibigay basbas ang Anti-Terror Law para patayin at ikulong ang mga manggagawa at unyonista na nagpapahayag ng kanilang mga panawagan,” ayon kay Julie Gutierrez mula sa grupong Kilos na Manggagawa.
Kamakailan lamang ay ginamit rin ang naturang batas laban sa dalawang lider-estudyante na sina Kenneth Rementilla at Jasmin Rubia, parehong mula sa Univeristy of the Philippines kampus sa Los Banos, Laguna.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/atl-muling-kinundena-sa-ikatlong-taon-nito/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.