Wednesday, July 5, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Petisyon para sa writ of habeas corpus ng Taytay 2, inihapag

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Jul 6, 2023): Petisyon para sa writ of habeas corpus ng Taytay 2, inihapag (Petition for writ of habeas corpus of Taytay 2, filed)
 





July 06, 2023

Nagpetisyon ang mga kaanak at kaibigan nina Gene “Bazoo” De Jesus at Dexter Capuyan para sa writ of habeas corpus (o paglilitaw para iharap sa korte) ng dalawang aktibista. Kasama nila ang iba’t ibang mga grupong nagtataguyod sa karapatang-tao, inihapag nila ang petisyon sa Court of Appeals (CA) kahapon ng umaga, kasabay ng ikalawang buwan ng kanilang sapilitang pagkawala. Sina de Jesus at Capuyan, tinaguriang Taytay 2, ay dinukot ng mga ahente ng Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) noong Mayo.

Inapela ng mga nagpetisyon sa CA na tuwirang atasan sina Gen. Andres Centino, hepe ng Armed Forces of the Philippines, Gen. Benjamin Acorda Jr, hepe ng Philippine National Police (PNP), at Brig. Gen. Romeo Caramat, hepe ng PNP CIDG na ilitaw ang dalawa at kagyat silang palayain, lalupa’t walang kasong nakasampa laban sa kanila.

Ayon kay Eloisa Mesina, tagapangulo ng KATRIBU o Kabataan para sa Tribung Pilipino: “Karapatan ng pamilya nina Dexter at Bazoo na makita sa presinto at kampo ng AFP-PNP ang mga kongkretong ebidensya na wala sa poder nila ang dalawa.”

Panawagan nilang ilitaw ang dalawa mula sa kustodiya ng CIDG, AFP, at PNP. “Harapin nila (pulis at militar) ang mga pamilya at abugado (ng Taytay 2). Lutasin na ang kasuklam-suklam na pag-unlad ng kawalan ng katarungan…!”

https://philippinerevolution.nu/angbayan/petisyon-para-sa-writ-of-habeas-corpus-ng-taytay-2-inihapag/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.