Monday, December 12, 2022

Kalinaw News: Kumander ng BIFF at 43 iba pa sumuko sa Kabacan Cotabato

From Kalinaw News (Dec 13, 2022): Kumander ng BIFF at 43 iba pa sumuko sa Kabacan Cotabato (BIFF commander and 43 others surrendered in Kabacan Cotabato) By Jonathan Blanco



CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Bulontaryong sumuko sa 90th Infantry (Bigkis-lahi) Battalion ang kumander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa ilalim ng Karialan Faction kasama ang 43 nitong mga tauhan sa Kabacan, Cotabato nitong umaga ng December 9, 2022.

Kasali sa mga sumuko ay apat (4) na sub-leaders at pitong (7) bomb experts ng BIFF at nasa 34 na samot-saring armas at siyam (9) na high explosives ammunitions naman ang isinuko ng mga ito ayun kay Lieutenant Colonel Rommel Mundala, Battalion Commander ng 90IB.

“Napagtanto nila na panahon na para talikuran ang kanilang ipinaglalaban at nais na nilang mamuhay ng normal kasama ang kanilang mga pamilya”, dagdag ni Lt. Col. Mundala.

Nasa pag-iingat na ngayon ng 90IB ang isang (1) M14 Rifle, limang (5) .45 caliber pistol, dalawang (2) Ingram, isang (1) Carbine, isang (1) RPG2, anim (6) na Uzi, anim (6) na Thompson, dalawang (2) M79 Grenade Launchers, dalawang (2) Musil 7.62mm, walong (8 RPGs, walong (8 RPG Fragmentation-Type Rounds at isang (1) RPG High Explosive Anti-Tank (HEAT) round.

Naging posible ang pagbalik-loob ng dating mga rebeldeng BIFF sa pagsisikap ng mga kasundalohan kasama ang suporta ng Local Government Unit ayon kay Col. Donald Gumiran, 602Bde Commander.

“Ang pagsuko ay resulta ng joint effort ng 90th Infantry Battalion at ng mga intelligence unit na naka-deploy sa lalawigan”, dagdag ni Col. Gumiran.

Isasailalim naman sa proseso ang enrolment ng mga former violent extremist sa reintegration program ng gobyerno ayun kay Maj. Gen. Roy Galido, JTF Central Commander.

“Their documents will also be processed for enrolment in the reintegration program of the government,” pahayag ni JTFC Commander Maj. Gen. Roy Galido.

Muling nanawagan ang JTF Central at 6ID sa mga naging biktima ng disinformation ng BIFF na magbalik-loob na sa pamahalaan alang-alang sa kanilang mga kaanak.






Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.

https://www.kalinawnews.com/kumander-ng-biff-at-43-iba-pa-sumuko-sa-kabacan-cotabato/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.