From Kalinaw News (Dec 13, 2022): Kampo at pagawaan ng pampasabog ng DI-MG nabawi ng JTF Central sa Lanao del Sur (DI-MG camp and explosive factory recovered by JTF Central in Lanao del Sur) (By Jonathan Blanco)
CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Iba’t-ibang uri ng mga war materials ang nabawi ng Joint Task Force Central matapos makubkub ang bagong diskubreng pinagkakampuhan ng Daulah Islamiyah-Maute Group sa Bagumbayan, Marogong, Lanao Del Sur gabi nitong December 10, 2022.
Ayun kay Major General Roy Galido, JTF Central at 6ID Commander ito ay dahil sa matibay na suporta ng komunidad at maigting na intelligence efforts ng government security forces.
“Nasa 30 na mga tagasunod ni Abu Zacharia ang lider ng DI-MG ang namanmanan ng mga residente sa kalapit na lugar. Dahil baguhan ang kanilang hitsura madali silang ini-report ng community sa mga sundalo ng 1st Marine Brigade”, dagdag pa ni Maj. Gen. Galido.
Narekober sa lugar ang tatlong (3) units ng UHF Handheld Radio (Baofeng), dalawang (2) piraso ng radio batteries, isang (1) uniporme, isang (1) lower receiver ng M14 Rifle, isang (1) kevlar helmet, dalawang (2) 81MM mortar fuse, isang (1) barrel ng M60 Light Machine Gun, isang (1) cellphone, isang (1) combat boots, isang (1) pack ng wire, dalawang (2) kilo ng fertilizer, gun powder, isang (1) manual ng pagawa ng eksplosibo, isang (1) sako ng 81MM Fuse (25kls), isang (1) ‘tornohan’, isang (1) dynamo, dalawang (2) improvised RPG launchers, isang (1) empty magazine (7.62mm) at isang (1) prayer booklet.
Sa ginawang Focused Military Operations ng JTFC sa lugar na pinagkukutaan ng DI-MG ay na-recover ang mga gamit pangdigma, mga sangkap sa pagawa ng anti-personnel mines at personal na kagamitan ng mga terorista.
“Nais ng JTF Central na pasalamatan ang patuloy na suporta ng Local Government Units at kanilang mga community leaders dahil sa pagbibigay nila ng mahalagang impormasyon”, pahayag ng JTFC Commander.
Mariin din niyang inihayag na ang seguridad ay pananagutan ng lahat, “No single person is responsible for the security. We have to unite and work together”.
Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.
https://www.kalinawnews.com/kampo-at-pagawaan-ng-pampasabog-ng-di-mg-nabawi-ng-jtf-central-sa-lanao-del-sur/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.