From Kalinaw News (Dec 11, 2022): 290 na dating kaanib ng Sangay ng Partido sa Lokalidad, Milisyang Bayan at NPA Supporters, taos pusong nanumpa ng suporta sa pamahalaan at layunin ng TF-ELCAC (290 former members of the Local Party Branch, Town Militia and NPA Supporters, wholeheartedly pledged their support to the government and the cause of TF-ELCAC) (By 2ID)
Kinilala ng MTF-ELCAC ang taos pusong pakikipag kaisa ng 290 na mga dating sumuporta o nalinlang ng Communist Terrorist Group (CTG) na hinding hindi na sila muling makikipag tulungan sa nasabing grupo, bagkus ay buong sigasig na silang makikipagtulungan sa pamahalaan at sa layunin at programa ng MTF-ELCAC. Ang panunumpa ay pinangunahan ng Chairman ng MTF ELCAC na si Hon. Webster Letargo, Punong Bayan ng Gumaca, Quezon at pinagtibay sa pamamagitan ng pagnotaryo ng Katibayan ng Pagkakaisa na pinangunahan ng Public Attorney’s Office.
Kasabay nito kinilala rin ng MTF-ELCAC ang pagsuko at pagbabalik loob ng isang (1) Part time NPA o milisyang Bayan kasama ang kanyang isinukong dalawang (2) M14, isang (1) Garand rifle, limang (5) calibre .38 at mga pampasagog at bala.
Sinaksihan din ito ng kinatawan ng Area Police Command, Commander at Deputy ng 201st Infantry Brigade, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, Quezon Provincial Mobile Force, Gumaca Municipal Police Station; at mga ahensyang kasapi ng TF-ELCAC mula sa lalawigan at rehiyon.
Sa ikatlong bahagi ng programa, ibinahagi ng mga ahensaya ng pamahalaan ang kanilang mga programa ng kani kanilang ahensya para sa kaunlaran ng binuong organisasyon mula sa mga dating nalinlang ng teroristang grupo.
Matapos ang Programa, sa kagandahang loob ng Tanggapan ng Punong Lalawigan at Kinatawan ng ika-4 na distrito ng lalawigan, NIA-Quezon at DPWH R IV-A ipinamahagi ang mga grocery items o food packs sa mga mamamayan na dumalo sa nasabing programa.
Taos puso ang naging pasasalamat ni Lieutenant Colonel Joel R. Jonson ang Commanding Officer ng 85IB sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maisagawa ng matagumpay ang natapos na programa; sa tanggapan ng punong lalawigan at punong bayan, tanggapan ng ika-4 na distrito ng Quezon, PAO, PNP, DILG, LGU, PCA, TESDA, CDA, DPWH, NIA, NICA Criminology Students, mga Former Rebels at Hands Off Our Children na nagbahagi ng kanilang masalimuot na karanasan sa NPA, mga Punong Barangay at higit sa lahat sa mga mamamayan.
Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.
https://www.kalinawnews.com/290-na-dating-kaanib-ng-sangay-ng-partido-sa-lokalidad-spl-milisyang-bayan-mb-at-npa-supporters-taos-pusong-nanumpa-ng-suporta-sa-pamahalaan-at-layunin-ng-tf-elcac/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.