December 12, 2022
Kinatigan ngayong araw ng isang lokal na korte sa Maynila ang petisyon ng tatlong bilanggong pulitikal para makapagpyansa sa gawa-gawang mga kasong isinampa sa kanila. Kabilang sa tatlo si Reina Mae Nasino, ina ni Baby River, sanggol na namatay noong Oktubre 2020 matapos iwalay sa kanyang ina ilang araw pagkapanganak.
Sa inilabas na atas ng Regional Trial Court Branch 47 sa Manila City, pinayagan magpyansa si Nasino, at sina Ram Carlo Bautista at Alma Moran dahil hindi matibay ang mga ebidensya laban sa kanila. Ayon sa korte, bigo ang mga witness ng prosekusyon na tukuyin ang mga akusado at kung aling baril ang nakuha mula sa bawat isa sa kanila. Hindi umano makasasapat at mahina ang mga “pangkalahatan” na pahayag ng mga “saksi.”
Sina Bautista, Nasino at Moran ay mga kasapi ng Bagong Alyansang Makabayan-National Capital Region (NCR) na inaresto nang ireyd ang kanilang tanggapan sa Tondo, Manila noong Nobyembre 2019. Sinampahan sila ng gawa-gawang kasong illegal possession of firearms and explosives.
Sa atas ng korte, pinagpapyansa si Nasino at Moran nang tig-₱420,000 habang si Bautista ay ₱570,000 o kabuuang ₱1,410,000 para pansamantalang makalaya.
Ayon sa Bayan-NCR, napatunayan umano ng desisyon ng korte na “ang mga ipinataw na kaso ni Judge Cecilyn Burgos Villavert ang dating Quezon City Executive Judge ay isang malaking kasinungalingan.”
Si Judge Villavert ay binansagan ng mga aktibista bilang “search at arrest warrant factory” kung saan arbitraryong naglalabas ng mga walang-batayang mandaymento na nagresulta sa pagkamatay at pagka-aresto ng maraming mga aktibista.
Paunang tagumpay itong maituturing para sa grupong Karapatan-NCR. Ayon sa kanila kailangang ipagpatuloy na igiit sa Court of Appeals na tindigan ang naunang desisyon nito noong Setyembre 4, 2022 na nagpapawalang-bisa sa mga search warrant na ginamit laban sa tatlo.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/3-bilanggong-pulitikal-sa-metro-manila-pinayagan-magpyansa/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.