Gary Angeles
Spokesperson
Far South Mindanao Regional Operational Command (Valentin Palamine Command)
New People's Army
December 05, 2022
Brutal na pamamaslang ang naganap at hindi sa labanan nasawi ang limang Pulang mandirigma at isang sibilyan. Ito ang katotohanan sa likod ng napabalitang insidente sa Sityo Mugti, Brgy. Chua, Bagumbayan, Sultan Kudarat noong Nobyembre 23, 2022. Salungat ito sa ipinahayag ng 7th IB-AFP na namatay ang mga kasama sa engkwentrong naganap sa lugar.
Mariing kinukundena ng VPC-NPA-FSMR itong panibagong teroristang karahasan ng militar laban sa mga rebolusyonaryo at sibilyan, gayundin ang lahat ng mga krimen ng mga berdugong pwersa ng 6th ID-Joint Task Force Central sa kanilang huwad na kampanyang “kontraterorismo.” Pilit mang itinatanggi ng AFP ay hindi nila matatago ang karumal-dumal na pagpatay at paglapastangan ng 7th IB sa mga biktimang sina Ka Dennis (Indot Dulunan), Ka Ho (Sep Kasa), Ka Duran (Allan Dalimbang), Ka Elena (Annabel Talon), at Ka Pogi at sibilyang si Gerry Kasa (aka Kekel.)
Walang pakundangang lumabag ang 7th IB sa internasyunal na mga alituntunin para sa naayon-sa-batas at sibilisadong paglulunsad ng digma o armadong tunggalian. Ayon mismo sa mga nakakita sa mga bangkay, hindi kapani-paniwala na sa labanan namatay ang mga kasama. May mga palatandaan na sila ay pinaharapan at binaril ng malapitan, at tumataglay ng maraming pinsala ang kanilang mga katawan. May ilang saksi din ang nagsabing napilitan sumuko ang mga kasama nang sila’y mapaligiran at wala nang kakayahang lumaban. Ngunit kalaonan ay walang awa silang sinalbeyds ng mga pasista.
Kasunod ng pangyayari ay labis na takot at pagkabahala naman ang naranasan ng mga residente sa lugar dahil sa walang habas na pagpapaputok at pambobomba ng militar. Di mabilang ang mga bala ng mortar na pinasabog nila buhat noong Nobyembre 23 ng hapon hanggang Nobyembre 24.
Kalkulado din ang sumunod na mga hakbang ng mga pasista para takutin at pahirapan ang mga pamilya ng mga biktima. Sapilitan nilang kinuha ang mga labi buhat sa pag-iingat ng ilang mga kamag-anak sa Sityo Sandigan, Brgy. Chua. At kapagdaka’y inilibing ang mga ito nang hindi ipinaalam at walang pahintulot ng mga pamilya. Tumanggi ang 7th IB na ibigay sa kani-kanilang pamilya ang mga bangkay at pinagbabayad ang mga kamag-anak ng tig-PhP30,000.00 bawat isa kung nais nila itong makuha.
Mahigpit naming kinukundena ang kalapastanganan at pangho-hostage ng 7th IB sa mga labi ng mga kasama. Kaugnay nito ay ipinapanawagan namin ang kagyat at independenteng imbestigasyon sa krimen at mga paglabag ng militar sa mga pamantayan ng internasyunal na makataong batas.
Labis ang aming pagluluksa at panghihinayang sa kamatayan ng mga kasama. Inaalay namin ang pinakamataas na rebolusyonaryong parangal, paggalang at paghanga para sa kanila na mga martir ng bayan at minamahal na mga anak ng Daguma. Sila ay mga magigiting na Pulang mandirigma buhat sa tribung Dulangan-Manobo na mapagpasyang lumaban para sa lupang ninuno at para sa pagkakamit ng tunay na hustisya at kalayaan ng bayan.
Si Ka Dennis ay isa sa pinakaunang Dulangan na sumampa sa NPA noong 2014. Mahalaga ang kanyang naiambag sa gawaing masa at pagpapalawak ng base, at lalong-lalo na sa pagbibigay-inspirasyon sa kanyang mga kapwa-lumad na lumahok sa rebolusyonaryong armadong pakikibaka. Naging malaking hamon at inspirasyon para sa kanya ang tapang at kabayanihan ng kanyang amang martir na pinaslang ng militar noong 2020. Kabilang siya sa nangungunang kadreng militar ng NPA-Sultan Kudarat na matapang na lumaban at dumaig sa mga kampanyang militar ng AFP sa kabundukan ng Daguma.
Si Ka Ho ay isang masipag na pampulitikang instruktor ng isang yunit ng NPA at ginagalang na lider ng mga Pulang mandirigma. Mula sa pagkabata ay naranasan niya ang napakabangis na paghahari ng kumpanyang D.M. Consunji Inc. na umagaw sa lupang ninuno at umaapi’t humahamak sa kanilang tribu. Maraming kamag-anak niya ang naging biktima ng mga masaker at pamamaslang ng paramilitar at mga armadong goons ng kumpanya. Nang marating ng isang yunit ng NPA ang kanilang barangay ay isa siya pinakaaktibong lumalahok sa mga pagtitipon at rebolusyonaryong pag-aaral na inilunsad ng mga kasama.
Sina Ka Duran, Ka Elena at Ka Pogi ay mga kabataan na piniling ialay ang sarili sa paglilingkod sa bayan at sa armadong rebolusyonaryong kilusan. Matibay nilang hinarap at pinangibabawan ang mga hirap at sakripisyo sa pagkikilos lalo na sa panahon ng malupit na kampanya ng kaaway. Aktibo silang nakibahagi sa mga gawain sa Hukbo at sa pag-oorganisa sa masa. Inspirasyon sila ng mga kabataang Lumad na nakikibaka para sa lupang ninuno at laban sa pang-aapi at pagsasamantala.
Kasamang nasawi ang anak ni Ka Ho na si Gerry Kasa o Kekel na isang sibilyan. Kamakailan lang ay inamin niya sa ilang kamag-anak na pinagbabantaan siya ng militar dahil sa kabiguan niyang pilitin ang ama na sumuko at ipagkanulo ang kilusan.
Nakikiramay kami sa mga pamilya, mga masa at mga kaibigan na labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng mga mahal na kasama. Gayundin ang aming pakikiisa sa lahat ng mga biktima ng karahasang militar na pinagkaitan ng hustisya. Nawa’y maging inspirasyon ang ating mga martir sa matibay nilang rebolusyonaryong paninindigan at walang hanggang pagmamahal sa bayan.
Makakamit lamang ang tunay na katarungan laban sa pang-aapi at pagsasamantala sa pamamagitan ng ating pagsusulong sa pambansa-demokratikong rebolusyon. Ang pag-aalay ng dugo’t buhay ay katapusang sakripisyo ng ating mga martir na pupukaw sa paglaban ng malawak na mamamayang api, at sisibol ng panibagong lakas at pag-asa para sa sambayanang lumalaban.
Mabuhay ang mga martir ng bayan!
Mabuhay ang masang lumalaban!
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
https://philippinerevolution.nu/statements/brutal-na-pagpaslang-sa-mga-pulang-mandirigma-at-sibilyan-at-mga-kalapastanganan-ng-7th-ib-afp/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.