Friday, May 31, 2024

CPP/NPA-Central Luzon ROC: Civilian tip nga ba ang dahilan ng mga engkwentro?

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (May 29, 2024): Civilian tip nga ba ang dahilan ng mga engkwentro? (s a civilian tip the cause of the encounters?)
 


Central Luzon Regional Operational Command (Josepino Corpuz Command)
New People's Army

May 29, 2024

Sabi ng AFP, “civilian tips” raw ang dahilan kung bakit tatlong magkakasunod na labanan ang nangyari sa pagitan ng NPA at kanilang tropa. Gasgas na propaganda o paliwanag ito ng mga sundalo tuwing nagkakaroon ng mga engkwentro.

Ang totoo, bago pa man ang May 21 na unang labanan, matagal nang naglulunsad ng Focus Military Operation (FMO) ang mga sundalo sa iba’t ibang bayan ng Aurora. Lagi’t laging naglulunsad ng malalaking operasyon ang mga kaaway. At sa mga operasyong ito, laging inaabuso at apektado ang mga sibilyan.

Ngunit, may NPA man o wala sa inyong baryo, hindi naman tumitigil ang pandarahas ng mga militar. Naghahasik sila ng takot sa mga taong-baryo, sinasamantala ang kabuhayan ng simpleng residente, pilit na pinapasurrender ang mga sibilyan kahit pa nga inosente, iniipit sa programa nilang E-CLIP.

Lahat ng iyan ay para sa kanilang layunin na sugpuin ang rebolusyonaryong kilusan, at sa kabilang banda, para kumita at magbulsa mula sa limpak-limpak na perang ibinubuhos ng gobyerno para sa kontra-insurhensya nitong programa!

Iyan ang tunay na layunin ng AFP. Kailanman ay pansariling interes at interes ng naghaharing uri ang kanilang itataguyod. Hindi sila tunay na nagsisilbi sa mga mahihirap na magsasakang inaagawan ng lupa.

Ang totoo, kaya nakakairal ang NPA sa mga baryo sa kanayunan ay dahil itinataguyod sila ng malawak na masang anakpawis. Ang NPA ang tunay na sundalo ng mahihirap, ito ang tunay na nagtatanggol sa lupa, kabuhayan, kagalingan, at karapatan ng mamamayan!

https://philippinerevolution.nu/statements/civilian-tip-nga-ba-ang-dahilan-ng-mga-engkwentro/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.