Friday, May 31, 2024

CPP/NPA-Central Luzon ROC: PAALALA SA PUBLIKO: mula sa NPA-Gitnang Luzon (Josepino Corpuz Command)

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (May 29, 2024): PAALALA SA PUBLIKO: mula sa NPA-Gitnang Luzon (Josepino Corpuz Command) [(NOTICE TO THE PUBLIC: from NPA-Central Luzon (Josepino Corpuz Command)]
 


Central Luzon Regional Operational Command (Josepino Corpuz Command)
New People's Army

May 29, 2024

Kagabi, May 28, 2024, ay may naganap muli na engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at NPA sa Barangay Bazal, Maria Aurora, Aurora. Apat na pwersa ng AFP ang namatay sa unang bugso palang ng putukan.

Maraming mga residente ang nakarinig ng malalakas na putok at pasabog, lalo na ang walang patumanggang pag-volume fire ng pwersa ng AFP, naglulustay ng kanilang mga bala at bomba kahit matapos ang labanan.

Dahil dito, batid namin na umiiral ang takot sa inyong baryo, kasabay pa ng pinahigpit na restriksyon ng AFP at ang mga kumakalat na fake news upang higit na lumikha ng takot at pangamba sa inyong isipan.

Nais naming ipaabot sa mga mamamayan ng Maria Aurora na sa kabila ng sunud-sunod na engkwentrong relatibong malapit sa inyong mga pook-obrahan at komunidad, tinitiyak ng NPA na pinapatiuna namin ang inyong kaligtasan, higit sa anupaman.

Hangga’t kaya naming maiwasan ang labanang may madadamay sa sibilyan ay pinipilit naming iwasan. Hangga’t maari, kahit pa sa pinaka-gipit na sitwasyon, mas inuuna namin na ligtas ang mga sibilyan kahit pa may risgo ito sa aming bahagi.

Hipokrito ang AFP sa pabatid nila sa publiko na maaaring madamay at maging “Human Shield” ng NPA ang mga sibilyan.

Sa kasaysayan ng digmang bayan sa Pilipinas, ang mga pwersa ng militar ang naglalapastangan sa buhay at karapatan ng simpleng residente sa baryo. Ang AFP ang may mersenaryong tradisyon na kahit bata, buntis, matanda, o sinupamang mapag-abutan nila, ay walang-pusong inaabuso at pinapatay. Maski nga sarili nilang tropa ay palalabasin nilang NPA ang pumatay kahit pa nga sila mismo ang may kagagawan nito.

Ang AFP ang tunay na naghahasik ng terror sa mga komunidad, hindi ang NPA na tunay na sundalo ng mahihirap!

https://philippinerevolution.nu/statements/paalala-sa-publiko-mula-sa-npa-gitnang-luzon-josepino-corpuz-command/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.