Central Luzon Regional Operational Command (Josepino Corpuz Command)
New People's Army
May 23, 2024
Tropa ng 91st at 72nd DRC ng Philippine Army, SAF at kapulisan ang nanunundo sa mga residente ng Toytoyan, Diamanen, Dimabuno, Sapang Kawayan, Banaoang, Cadayakan, Bayanihan, Puangi para lisanin ang kanilang mga tahanan tungo sa mga evacuation. Hanggang sa kasalukuyan ay mahigit 300 pamilya o hindi bababa sa isang libong indibidwal ang nasa Dipaculao Sports Complex, Ipil Sports Complex at Lipit Evacuation Center ang pinalikas ng AFP dahil diumano sa armadong labanan.
“Kung ganito sana kabilis ang pagresponde ng gubyerno sa El NiƱo at pananalasa ng bagyo ay mainam. Ito namang pagbakwit sa amin ay army ang may gawa ng kalamidad. Pasabog sila nang pasabog malapit sa baryo kahit wala naman na silang kalaban. Naghulog pa ng bomba at namaril nang namaril mula sa helicopter. tapos kasalanan pa daw ng mga tao dahil tumatanggap sila ng NPA sa baryo.” Ito ang galit na reaksyon ng mga taga-Toytoyan sa ginawang pagpapaalis sa kanila sa baryo. Sa midya, pinalilitaw nila na ang mga tao mismo ang lumilikas. “Eh, sino ba ang hindi aalis, e sabi nila susuyurin nila ang buong baryo at ang aming mga niyugan at tubigan!” Dagdag pa ng isang magsasaka na nirereklamo ang pagkawala ng kanyang mga alagang hayop habang nakaistasyon ang mga army sa kanilang baryo.
Pikon at gigil na gigil ang AFP kaya ang populasyong sibilyan ang pinagbabalingan sa ilang ulit nitong pagkabigo na durugin ang NPA sa Aurora at sa buong Gitnang Luzon. Sa dalawang labanan sa Dipaculao, nagtamo ng mga kaswalti ang AFP. Tatlo ang asintadong nabaril ng NPA sa labanan noong Mayo 20 ng umaga at dalawa pang sundalo ang hindi nakailag sa ganting putok ng NPA sa engkwentro noong Mayo 21 ng gabi. Wala namang kaswalti sa panig ng NPA.
Tatlong drone ang salitan at magkapanabayang ginamit ng AFP para i-surbeylans ang presensya ng NPA sa lugar. Nilustay nila ang pondo ng bayan para manuhol ng mga lokal na aset na maniktik sa mga masang suspek nilang may ugnayan sa NPA. Gayunman, sa maraming pagkakataon ay panis ang impormasyong nakukuha nila, habang mabilis namang nakakapagpaabot sa mga kasama ang mga masang kumakalinga at nagmamahal sa NPA.
Gaya ng ginawa ng imperyalistang US sa gerang agresyon nito sa Vietnam, ipinatutupad ng AFP ang doktrinang “alisin ang tubig para limasin ang mga isda” sa desperadong hangarin nito na durigin ang CPP-NPA. Pero kailanman ay di nila kayang tuyuin ang bukal ng pwersa at suporta sa digmang bayan. Kailanman ay hindi nila mapipigilan ang pagsambulat ng tubig, ng rumaragasang poot ng masa sa malupit, kontra-mamamayan at makadayuhang naghaharing estado. Kagaya ng ipinamalas na kagitingan ng mamamayang Vietnamese laban sa imperyalistang US at lokal na naghaharing uri sa Vietnam, bibiguin ng nagkakaisang mamamayan ang hindi makatarungang gera ng AFP na inuudyukan at sinusuportahan ng imperyalistang US.
Nananwagan kami sa mamamayan ng Dipaculao at sa buong bansa, lalo na sa masang magsasaka na alpasan ang takot sa mapanindak at mapanupil na mga iskema ng AFP! Ang magrebolusyon ay makatarungan. Digmang bayan lamang ang tutuldok sa karahasang ito. Saka lamang matatamo ang tunay na kapayapaan sa pagtatagumpay ng demokratikong rebolusyong bayan.
https://philippinerevolution.nu/statements/modelong-kampanyang-agresyon-ng-us-sa-vietnam-bibiguin-ng-digmang-bayan-sa-pilipinas/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.