Friday, May 31, 2024

CPP/NPA-Aurora/Central Luzon ROC: Aerial bombing at istraping: Tugon ng AFP sa panibagong engkwentro sa pagitan ng 72nd DRC at NPA sa Barangay Salay, Dipaculao Aurora

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (May 23, 2024): Aerial bombing at istraping: Tugon ng AFP sa panibagong engkwentro sa pagitan ng 72nd DRC at NPA sa Barangay Salay, Dipaculao Aurora (Aerial bombing and straffing: AFP response to another encounter between the 72nd DRC and the NPA in Barangay Salay, Dipaculao Aurora)
 


NPA-Aurora (Domingo Erlano Command)
Central Luzon Regional Operational Command (Josepino Corpuz Command)
New People's Army

May 23, 2024




Bandang alas-6 ng gabi ng Mayo 21 ay nagkaroon muli ng engkwentro sa pagitan ng tropa ng 72nd Division Reconnaisance Company at ng New People’s Army (NPA) sa Baranngay Salay, Dipaculao, Aurora kung saan may dalawnag nasugatan sa panig ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at wala namang kaswalti sa panig ng NPA.

Sa labis na pagkapikon ng tropa ng AFP, sinundan ang nasabing palitan ng putok ng pagpapalipad ng dalawang attack helicopter na tuluy-tuloy na nag-istraping sa Sapang Kawayan. Nagpakawala din sila ng Bomba na tumama sa kabundukan ng Toytoyan, Dipaculao. Kasabay nito ang tuluy-tuloy na pagpapalipad ng mga drone na nanindak sa mga masa sa lugar hanggang sa mga kalapit na baranggay ng Maria Aurora, at mga barangay sa baybayin ng Dipaculao.

Dahil sa kaganapang ito, nagpatupad ng lockdown at force evacuation sa mga baranggay na apektado ng nasabing insidente.

Nais naming ilinaw na ang naturang labanan ay wala sa mga bahayan ng sibilyan. Tinitiyak namin sa inyo na ipinapauna namin ang inyong kaligatasan una sa lahat sa anumang pagkakataon. Kaya lagi naming pinagsisikapan na makaiwas sa mga labanang posibleng may madadamay na sibilyan. Sa kabilang banda, pangkaraniwang buhay ng magsasaka na kasama ang NPA, sa baryo man o sa kanilang pook obrahan. Kung saan may masa, naroon ang NPA. Ikinatutuwa nila na ang mga NPA ay kasama nilang nagtatabas sa niyugan, nagluluto ng kopra, nagtatanim man o naggagapas ng palay.

Nilalaanan ng oras ng masa ang mga pag-aaral kaugnay sa lipunan at rebolusyong Pilipino at ang pagdalo sa mga siskretong pulong para talakayin ang kanilang kalagayan at mga dapat gawin para ipagtanggol ang demokratikong karapatan sa lupa at kabuhayan. Ipinagpapasalamat nila ang libre at epektibong serbisyong medikal na ipinagkakaloob ng NPA sa masa na may tunay na pagkalinga at layuning magamot ang sakit. Boluntaryo nilang pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mga kasama na sa maiksing panahon ay mabilis na natututunan ang pagbabasa at pagsusulat, mulat na disiplina at kabutihang asal na hindi natutunan ng mga bata sa burges na eskwelahan. Kabaligtaran naman sa gawa ng AFP at mga sahurang armadong grupo ng reaksyunaryong gubyerno na perwisyo at peligro ang dulot sa mamamayan.

May dapat bang ikatakot kapag may NPA sa baryo? “Mas nakakatakot pag wala kayo kadwa. Wala ng kinatatakutan ang mga abusadong army. Dumarami ang mga magnanakaw at loko-loko. Mas masangil ang mga panginoong maylupa at sobrang pagkaganid ang mga komersyante at usurero pag wala kayo.” Ito ang nakatataba sa puso na pahayag ng isang kasapi ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM) sa baryo ng Puangi.

Nanawagan ang CPP-NPA-NDF na suportahan ang mamamayan ng Dipaculao para sa ligtas at malayang pamumuhay. IPATIGIL ang PAMBOBOMBA at ISTRAPING sa lugar. Ipatigil din ang hamletting o pagkontrol sa sibilyang populasyon at pabalikin na sa mga lugar ng hanapbuhay ang mga tao.

Stop aerial bombings and istraping!

Stop hamletting!

https://philippinerevolution.nu/statements/aerial-bombing-at-istraping-tugon-ng-afp-sa-panibagong-engkwentro-sa-pagitan-ng-72nd-drc-at-npa-sa-baranggay-salay-dipaculao-aurora/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.