Wednesday, May 8, 2024

CPP/Ang Bayan: Ika-51 anibersaryo ng NDFP, ipinagdiwang

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (May 7, 2024): Ika-51 anibersaryo ng NDFP, ipinagdiwang (51st anniversary of NDFP, celebrated)
 




May 07, 2024

Ipinagdiwang ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang ika-51 anibersaryo nito noong Abril 24, kasama ang mga alyadong organisasyon at buong rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas at ibayong dagat. Isinagawa ang iba’t ibang tipo ng mga aktibidad para gunitain ang anibersaryo. Idinaos din noong Abril 17-Abril 24 ang linggo ng paggunita sa mga rebolusyonaryong martir.

“Militanteng pagbati ang ipinapaabot namin sa alyadong mga organisasyon ng NDFP, laluna sa nakikibakang masang Pilipino na ang hindi nagmamaliw na diwa at determinasyong kamtin ang tunay na pambansang paglaya at demokrasya ay nagsisilbing hindi nasasaid na bukal ng ating rebolusyonaryong lakas,” pahayag ni Ka Luis Jalandoni, Chief International Representative ng NDFP.

Sa mga pahayag, ipinaabot naman ng mga alyadong organisasyon ng NDFP ang mainit na pagbati sa anibersaryo. Binubuo ang NDFP ng 18 organisasyon. Nagpahayag din ng pakikiisa ang ilan sa mga panrehiyong balangay ng NDFP.

Binati rin ng Partido Komunista ng Pilipinas ang NDFP at sinabing sa harap ng walang-kapantay na korapsyon, pasismo at paninikluhod ng rehimeng Marcos sa imperyalistang US, mayroong higit na kakagyatang palakasin at palawakin ang NDFP at mga alyadong organisasyon nito.

Sa Europe, naglunsad ng piket, nagpinta ng mga islogan at nagtipun-tipon ang mga kasapi ng Anti-Imperialist Action Ireland noong Abril.

Ipininta nila sa mga pader sa ilang syudad sa Ireland ang mga katagang “VIVA CPP-NPA-NDF” at nagladlad ng bandila ng NDFP sa kanilang mga protesta at pagkilos. Isinagawa nila ang mga aktibidad ng pakikiisa sa Wicklow, Dublin, Galway, at Waterford sa Ireland.

Samantala, nagpaskil ng isang mural ang Friends of the Filipino People in Struggle (FFPS)-Vancouver sa Canada para ipagdiwang ang anibersaryo ng NDFP. Naglabas din ng isang bagong kanta ang FFPS para sa anibersaryo na pinamagatang “Celebrate the NDF!”

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://philippinerevolution.nu/2024/05/07/ika-51-anibersaryo-ng-ndfp-ipinagdiwang/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.