May 07, 2024
Binigyan ng pinakamataas na parangal ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Abril 22 si Aprecia Avarez Rosete (Ka Lalay), rebolusyonaryong pinuno at kadre ng PKP na namartir noong Pebrero 27 sa Barangay Malagad, Dumingag, Zamboanga del Sur. Sa panahon ng kanyang pagkamatay, si Ka Lalay ay kagawad ng Komite Sentral ng Partido at tumatayong kalihim ng panrehiyong komite ng Partido sa Western Mindanao.
Si Ka Lalay ay isang matapat na kadre na ganap na iniukol ang sarili sa Partido mula sa pagsapi niya noong 1990. Naging kalihim siya ng komite sa subrehiyon sa ilalim ng Southern Mindanao Regional (SMR) Party Committee, pinamunuan ang komite sa edukasyon at naging myembro ng komiteng tagapagpaganap nito.
Batay sa kanyang mahusay na rekord sa SMR, itinalaga siya noong 2016 bilang kalihim ng Western Mindanao, at pinangunahan ang mga pagsisikap na daigin ang konserbatismong militar na pumipigil sa pagsulong ng armadong pakikibaka sa rehiyon. Sa taon ding iyon, nahalal siya bilang myembro ng Komite Sentral noong Ikalawang Kongreso ng Partido.
Noong Pebrero 27, bumibyahe siya sakay ng motosiklo mula sa Dumingag para magpagamot ng iniindang sakit. Nasabat siya ng 53rd IB sa daan at hinuli. Subalit sa halip na kilalanin ang kanyang mga karapatan bilang bihag sa digma o kahit maging sinasakdal, tuluyan siyang pinatay ng mga sundalo at pulis na may hawak sa kanya. Kinabukasan, inianunsyo ng militar na napatay siya sa isang engkwentro sa lugar. Itinambad ng mga pasista ang kanyang walang buhay na katawan sa isang “encounter site” na kanilang itinanghal para sa isang palabas sa midya.
Ipinanganak si Ka Lalay noong Disyembre 2, 1968 sa pamilya ng mahirap na magsasakang Manobo sa Loreto, Agusan del Sur. Sa murang edad, nakatakas siya sa tradisyunal na pyudal at patriyarkal na istruktura na naglilimita sa pag-unlad sa kababaihan. Pinasok niya ang iba’t ibang trabaho upang suportahan ang kanyang pag-aaral hanggang elementarya at mataas na paaralan. Naging iskolar siya at nag-enroll sa University of San Carlos sa Cebu City, kung saan kumuha siya ng kurso sa social work.
Hindi nagtagal ay nasangkot siya sa mga isyung panlipunan nang magkaroon siya ng mas malalim na kaalaman sa pagdurusa at pang-aapi sa mga katulad niyang Lumad. Sa kabila ng mga pagkakataong gumawa ng mas magandang buhay para sa kanyang sarili, pinili ni Ka Lalay ang buhay ng paglilingkod sa iba sa pamamagitan ng pag-oorganisa at pagtulong na bigyang kapangyarihan sila.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://philippinerevolution.nu/2024/05/07/ka-lalay-kadre-ng-partido-pulang-mandirigma-at-bayani-ng-lumad-at-mamamayang-pilipino/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.