Armando Cienfuego
Spokesperson
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army
May 04, 2024
Malugod na binabati ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog ang National Democratic Front of the Philippines sa 51 taon nitong patuloy at ubos-kayang pagsusulong ng pambansa demokratikong rebolusyon. Saludo ang MGC sa NDFP dahil sa susing papel na ginagampanan nito upang pagkaisahin ang malawak na rebolusyonayong hanay para sa rebolusyong Pilipino.
Patuloy na tinanganan ng NDFP ang tungkulin nito bilang isa sa tatlong sandata ng rebolusyong Pilipino para lumaya mula sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Sa nakalipas na higit limang dekada, binuklod nito ang milyun-milyong inaapi at pinagsasamantalahang uri at sektor para pagsilbihin sa armadong pakikibaka at ibagsak ang sistemang malakolonyal at malapyudal. Nabuo ang mga rebolusyonaryong organisasyong masa sa hanay ng mga magsasaka, manggagawa, kabataan, kababaihan, pambansang minorya, propesyunal at iba pa na sumusuporta at nagsusulong ng armadong pakikibaka. Binuklod sila bilang mga alyadong organisasyon ng NDFP na ang pundasyon ay ang saligang alyansa ng uring manggagawa at magsasaka.
Malaki ang ginampanang papel ng NDFP para patatagin ang nagkakaisang prente at maging matibay na kalasag ng mamamayan at rebolusyon laban sa pang-aapi at pang-aatake ng estado. Kinakabig nito ang lahat ng mamamayang nakikibaka, kabilang ang panggitnang pwersa para sa tunay na kalayaan, demokrasya at pangmatagalang kapayapaan habang inihihiwalay ang despotiko at sagad-sarin. Nagsusulong ang NDFP ng mga pakikibakang anti-pyudal, anti-pasista at anti-imperyalista.
Sa pamamagitan ng NDFP, nakilala at naibandila ang rebolusyong Pilipino sa ibayong dagat hanggang sa umani ito ng pinakamalawak na suporta mula sa iba pang mga aping mamamayan ng daigdig. Gumampan din ang NDFP ng tungkulin para sa pagpapalakas ng pandaigdigang kilusang anti-imperyalista. Nakipagkaisa ito sa aping mamamayan upang ihiwalay ang imperyalismo, laluna ang imperyalismong US na numero unong kapangyarihang monopolyo kapitalista.
Ang hindi maubos na balon ng mga bagong Pulang mandirigma at rebolusyonaryo ay iniresulta ng patuloy na pagpupundar at pagpapalawak ng mga rebolusyonaryong organisasyong kaalyado ng NDFP sa kanayunan at kalunsuran. Patuloy na naisasalin ang bagong dugo ng mga rebolusyonaryo sa hanay ng mga bagong henerasyon ng mga magsasaka, manggagawa, peti-burgesya at iba pang uri at sektor. Ibinabandila nito ang programa ng pambansa demokratikong rebolusyon saanmang bahagi ng bansa maging sa tungki ng ilong ng kaaway. Pinatatatag nito ang mga sona at larangang gerilya, hinahawan ang landas sa pagbubuo ng mga organo ng demokratikong kapangyarihang pampulitika sa bansa sa pamamagitan ng itinatayong mga binhi ng demokratikong gubyernong bayan sa kanayunan.
Tinatamasa ng CPP-NPA-NDFP ang status of belligerency o pagkilala bilang katapat na gubyerno ng GRP dahil sa umiiral na pambansang pulitikal na liderato nito sa signipikanteng bahagi ng bansa. Mayroon itong Pulang hukbo na kumikilos sa iba’t ibang sona at larangang gerilya. Nagpapatupad ito ng kumprehensibong programa’t patakaran sa paggugubyerno sa balangkas ng pambansa demokratikong mithiin ng bayan. Kinilala ito ng ibang mga partido o gubyerno sa ibayong dagat. Ang pagharap ng GRP sa NDFP sa negosasyong pangkapayapaan ay patunay na kinikilala rin ng reaksyunaryong gubyerno ang status of belligerency ng rebolusyonaryong kilusan.
Sa gitna ng matinding saywar at paninira ng estado, mahusay na kinatawan ng NDFP ang rebolusyonaryong kilusan sa negosasyong pangkapayapaan upang hindi mabitag sa kapitulasyon at isuko ang rebolusyon. Matatag itong naninindigan na lalahok lamang ang NDFP sa negosasyon sa pambansang antas at itinatakwil ang localized peace talks bilang tabing sa panlilinlang, kapitulasyon at kampanyang pagpapasuko sa mga rebolusyonaryong pwersa . Itinataguyod ng NDFP ang karapatan ng mamamayan na mag-armas lalo sa harap ng teroristang estado.
Pangita ang desperasyon ng estado na dungisan ang mabuting pangalan ng NDFP sa paulit-ulit na deklarasyong “terorista” gamit ang asong-ulol na Anti-terror Council sa bisa ng Anti-terror Law. Binansagang terorista ang mga alyadong organisasyon tulad ng Pambansang Katipunan ng Magbubukid, Kabataang Makabayan, Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan at iba pa sa layuning bigyang matwid ang panunupil sa nakikibakang magsasaka, kabataan at kababaihan at iba pang uri at sektor. Nakaayon ito sa binalangkas ng US counter-insurgency guide upang bigyan ng ligal na bihis ang atrosidad ng mga rehimen hindi lamang sa rebolusyonaryong pwersa kundi sa sambayanan.
Sa kabila nito, matatag na hinarap ng NDFP ang pasistang paninibasib ng estado. Pinapupurol ng NDFP ang pasistang pang-aatake ng estado gamit ang iba’t ibang anyo ng pakikibaka—ligal, malaligal at iligal—na mahalaga upang madepensahan ang rebolusyonaryong pwersa at mamamayan. Isang malaking tagumpay laban sa tuluy-tuloy na pasismo ng estado sa Timog Katagalugan ang lumalakas na panawagan sa mga pakikibakang bayan sa mga sentrong bayan at syudad, gayundin ang pagpupunyagi ng mga larangang gerilya. Puhunan nito ang malalim na pag-ugat ng Partido at ang malawak na lambat ng ugnayang nailatag ng kilusan katuwang ang NDFP sa rehiyon.
Hindi matatawaran ang dakilang ambag ng NDFP sa lahatang panig na pagsusulong ng armadong pakikibaka, rebolusyong agraryo, pagtatayo ng baseng bukid at pagbubuo ng solidong lakas ng rebolusyon sa kanayunan. Binibigkis nito ang pinakamaraming bilang ng uring magsasaka at manggagawang-bukid—ang pinakamalaking bilang ng populasyon at inaaping uri sa bansa. Pinagmumulan ito ng pinakamaraming sampa ng mga Pulang mandirigma sa NPA. Ubos-kayang isinusulong nito ang rebolusyong agraryo upang mapahina ang kapangyarihan ng panginoong maylupa sa kanayunan at lutasin ang problema sa lupa ng masang magsasaka. Ipinuputok ng NPA ang mga taktikal na opensiba upang bigwasan ang palalong kaaway at kumpiskahan ng mga armas.
Sa tulong ng NDFP, tiyak na magkakamit ng higit pang malalaking tagumpay ang NPA. Ngayong dumaranas ng sobrang pang-aapi at kahirapan ang mamamayan, tiyak na dadami ang aanib sa mga rebolusyonaryong organisasyong masa at higit na lalakas ang base ng rebolusyon. Pinapanday sa pukpukang pakikipaglaban sa marahas na estado ang buong bayan. Susing rekisito sa pagtatagumpay ng digmang bayan ang patuloy na paglakas ng NDFP.###
https://philippinerevolution.nu/statements/pagpupugay-sa-pag-aambag-ng-ndfp-sa-armadong-pakikibaka/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.