May 07, 2024
Hindi bababa sa 12 progresibo ang sinampahan ng rehimeng Marcos ng kaso ng “terorismo” at “terrorism financing” (pagpondo sa terorismo) sa nagdaang ilang linggo. Isinampa ang mga kaso para gipitin sila at kinabibilangan nilang mga organisasyon.
Sa Quezon, sinampahan ng “terrorism financing” sina Paul Tagle, tagapagsalita ng Tanggol Quezon, at Fritz Labiano, koordineytor ng Kabataan Partylist sa prubinsya. Isinampa ang kaso sa kanila dahil sa pagbibigay ng tulong at pagkain sa mga bilanggong pulitikal noong Hulyo 2023.
Sa Negros Island, sinampahan ng katulad na kaso ang ilang dati at aktibong kasapi ng “Paghida-et sa Kauswagan” Development Group Incorporated (PDG Inc). Pinaratangan ng “terrorism financing” sina Clarissa Ramos, si Felipe Levy Gelle, Federico Salvilla, at Perla Pavillar. Kinasuhan din si Darryl AlbaƱez, hindi kasapi ng PDG Inc pero nakikipagtulungan sa grupo sa mga aktibidad nito.
Sa Leyte, arbitraryong ipina-freeze o pinagbawalang magalaw ang sariling akawnt sa bangko ni Jazmin Jerusalem at ng pinamumunuan nitong Leyte Center for Development, Inc. (LCDe) noong Mayo 2. Ipinag-utos noong Abril 26 ang pag-freeze sa naturang mga akawnt dulot ng kasong “terrorism financing” na isinampa laban sa kanya at isa pang empleyado ng LCDe.
Sa Nueva Ecija, sinampahan naman ng kasong “terorismo” o paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2020 sina Nathanael Santiago, Anasusa San Gabriel, Rosario Brenda Gonzales, at Servillano Luna, Jr na pawang mga aktibista at lider masa. Idinadawit sila ng mga sundalo ng 84th IB sa engkwentro nito sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Barangay San Fernando Sur, Laur, Nueva Ecija noong Oktubre 8, 2023, matapos diumanong “makilala” ng mga sundalo. May 30 pang pangalan na idinadawit sa naturang kaso.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://philippinerevolution.nu/2024/05/07/pagkakaso-ng-terorismo-panggigipit-sa-mga-progresibo/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.