Wednesday, May 8, 2024

CPP/Ang Bayan: Mga protesta kontra Balikatan 39-24, inilunsad

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (May 7, 2024): Mga protesta kontra Balikatan 39-24, inilunsad (Protests against Balikatan 39-24, launched)
 





May 07, 2024

Sinalubong ng protesta ng mga demokratikong organisasyon ang pagbubukas ng Balikatan 39-24 noong Abril 22. Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), nagprotesta sila sa hedkwarters ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo sa Quezon City para ipatigil ang war games ng tropang militar ng US at Pilipinas sa bansa.

Noong Abril 26, nagmartsa patungong embahada ng US ang mga manggagawa para tuligsain ang isinasagawang Balikatan war games. Ang pagkilos ay pangatlo sa serye ng inilunsad ng Kilusang Mayo Uno na protesta kada Biyernes noong Abril. Nagprotesta rin malapit sa embahada ng US ang mga grupo mula sa Southern Tagalog noong Mayo 5 at mga grupo ng kababaihan noong Mayo 6.

Samantala, kinundena ng Bayan-Ilocos ang paglulunsad ng ilang bahagi ng Balikatan 39-24 sa rehiyon. Hindi bababa sa 2,000 tropang militar ng Pilipinas at US ang pumunta sa Ilocos para sa war games. Nakatakdang isagawa sa La Paz sand dunes sa Barangay La Paz, Laoag City, Ilocos Norte ang live-fire exercises. Nakatakda ring pasabugin at palubugin ng pwersa ng US at Pilipinas ang BRP Lake Caliraya, isang barkong decommissioned, sa karagatan sa tapat ng prubinsya. Lubhang apektado nito ang kabuhayan sa rehiyon, laluna ng mga mangingisda na pinatigil sa pagpalaot.

ENGLISH TRANSLATION: Protests against Balikatan 39-24, launched

The opening of Balikatan 39-24 on April 22 was greeted with protests by democratic organizations. Led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), they protested at the headquarters of the Armed Forces of the Philippines at Camp Aguinaldo in Quezon City to stop the war games of US and Philippine military troops in the country.

On April 26, workers marched to the US embassy to denounce the ongoing Balikatan war games. The action is the third in a series of protests launched by the Kilusang Mayo Uno every Friday in April. Southern Tagalog groups also protested near the US embassy on May 5 and women's groups on May 6.

Meanwhile, Bayan-Ilocos condemned the launch of some parts of Balikatan 39-24 in the region. At least 2,000 Philippine and US military troops went to Ilocos for the war games. The live-fire exercises are scheduled to be held at the La Paz sand dunes in Barangay La Paz, Laoag City, Ilocos Norte. US and Philippine forces are also set to blow up and sink the BRP Lake Caliraya, a decommissioned ship, in the ocean opposite the province. This greatly affects the livelihood in the region, especially the fishermen who are stopped from fishing.

[Retired Analyst Note: All of the groups highlighted above are Communist Party of the Philippines (CPP) front groups. Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN-New Patriotic Alliance) is the main CPP multisectoral umbrella front organizations. Kilusang Mayo Uno (KMU-May One Movement) is the main CPP-affiliated umbrella labor front and is a founding member of BAYAN),  BAYAN-Ilocos is a region office the Bagong Alyansang Makabayan.]

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://philippinerevolution.nu/2024/05/07/mga-protesta-kontra-balikatan-39-24-inilunsad/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.