May 07, 2024
Dumagundong ang mga gangsa, salidummay at sigaw ng Kaigorotan sa pagdiriwang ng ika-40 Araw ng Cordillera sa temang “Buong tapang na isulong ang laban para sa lupa, buhay at dangal.” Umabot sa 1,500 katao mula sa iba’t ibang prubinsya sa rehiyon at mga organisasyon at tagapagtanggol ng karapatan ng mga pambansang minorya mula sa iba’t ibang bahagi sa bansa ang nagtipon sa Sityo Liglig, Barangay Tanglag sa Lubuagan, Kalinga noong Abril 23-24.
Bago ang pagdiriwang, maraming pagtatangka ang 3rd CMO ng 103rd IB para pigilan ang mga residenteng ituloy ang pagtitipon. Nagsagawa ng “youth summit” para mamigay ng mga polyeto na naninira sa Cordillera Peoples’ Alliance (CPA) at nagpaskil ng mga sako kung saan malisyosong iniugnay ang organisasyon sa armadong kilusan.
Gayunpaman, nabigo ang mga sundalo at itinuloy ng komunidad ang pagtataguyod sa pagdiriwang sa kabila ng mga pananakot at banta.
“Kilala namin ang aming kaaway, hindi ang CPA, hindi ang aming mga bisita, kundi ang mga nagpuprotekta sa mga dayuhang gustong magtayo ng dam at malaking mina dito sa aming lupang ninuno,” saad ng isang lider ng komunidad.
Halos dalawang linggo nilang pinaghandaan ang pagtitipon, mula sa pagtatayo ng mga tent, entablado, paggawa ng mga upuan bilang sentro ng mga aktibidad, pag-aayos ng mga tulugan at pagkain, at ang araw-araw na pagbabantay sa seguridad ng lugar. Kaya kahit alam nilang maaari silang balikan at gipitin ng mga pwersa ng estado, itinaguyod pa rin nila ang pagdiriwang.
Pagpapatuloy ng laban ni Macli-ing Dulag
Makasaysayan ang Barangay Tanglag sa laban ng Kaigorotan sa Chico River Basin Development Project noong panahon ng diktadurang Marcos. Dito naganap ang isa sa unang bodong o konseho para sa kapayapaan noong 1974 sa pangunguna ni Macli-ing Dulag para pagkaisahin ang mga katutubo laban sa mapanirang dam. Pinaslang ng mga sundalo si Macli-ing Dulag noong April 24, 1980 sa pagtatangkang ipatigil ang laban ng Kaigorotan. Pero sa halip na matakot, nagtuluy-tuloy ang kilusang masa sa Cordillera.
Inalala ng lider ng lokal na organisayon ng Kalinga kung paano nila hinarap ang mga sundalo noong panahon ng diktadura. “Tinaboy namin ang mga tim na nagsasarbey, sinira namin yung mga kampo sa Tabuk. Mga babae ang nanguna, hindi namin pinalapit ang mga lalaki dahil siguradong dadanak ang dugo.”
Dagdag pa niya, tumindi ang karahasan laban sa Kaigorotan noong huling bahagi ng dekada 1970 kung kailan simulang dumami ang itinambak na sundalo at idineklarang “free-fire zone” ang barangay. Basta na lamang binabaril ang mga tinaguriang “trespassers” na mga myembro rin ng komunidad. Dahil dito, nag-armas sila bilang milisyang bayan, at marami ang sumapi sa Bagong Hukbong Bayan.
Ayon naman sa isang pamangkin ni Macli-ing Dulag, malaking tulong ang presensya ng kabataan at taong simbahan mula noong inumpisahan ang laban sa Chico Dam. “Pumunta dito ang mga nagsasarbey, hindi naman ipinaliwanag ang magiging epekto sa amin. Kaya kami mismo, inaral namin sa tulong ng ibang organisasyon ang mga proyektong ‘yan. At hanggang ngayon, patuloy naming inaaral at papanindigan na hindi dapat papasukin ang mga dam at malalaking mina na yan.”
Sa kasalukuyan, 100 proyektong plantang hydropower o dam na ang iginawad sa iba’t ibang kumpanya at aabot sa 104 ang iba’t ibang aplikasyon sa pagmimina ang nakasampa sa mga ahensya ng estado. Kabi-kabilang pagtatangka at iskema ang ginagawa ng National Commission on Indigenous Peoples para hatiin ang pagkakaisa ng mga katutubo tulad ng laganap na pananakot at pagbabanta sa mga lider-katutubo. Ang mga ito ay sinikap pinangingibabawan ng iba’t ibang tribu sa Cordillera.
Sa kabila ng mga pananakot sa mga lider at maging sa kanilang mga pamilya, ipagpapatuloy nila ang kanilang paglaban sa mapanirang mga proyekto.
“Hangga’t may puso tayong tumitibok, may epekto talaga sa iyo ang pananakot pero hindi dapat umabot sa puntong matatakot at titigil ka,” deklara ng isang sa mga kinikilalang lider ng malawak ng alyansang nabuo sa Cordillera. “May kaakibat talagang sakripisyo ang pagtatanggol sa lupang ninuno, at tulad nang ginawa ng mga nauna sa amin, handa ang Kaigorotang harapin ang mga ito,” aniya.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://philippinerevolution.nu/2024/05/07/ika-40-araw-ng-cordillera-tatak-ng-paglaban-ng-kaigorotan-sa-mapaminsalang-mga-proyekto/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.