May 07, 2024
Paparaming bilang ng mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao ang naitatala sa mga bayan ng Northern Samar sa harap ng walang-tigil na mga operasyong kombat ng 20th IB dito. Kamakailan, naitala dito ang mga kaso ng pambobomba, pamamaril, blokeyo sa pagkain at kabuhayan at sekswal na pang-aabuso ng mga sundalo.
Sa bayan ng Las Navas, nagpaputok ng baril ang mga lasing na sundalo sa Barangay San Francisco noong Abril 9. Sa Barangay San Miguel, nagpaputok ang mga sundalo ng mortar nang bandang alas-11 ng gabi noong Marso 12 malapit sa mga kabahayan.
Sa Catubig, tinutukan ng baril at minolestiya ng isang elemento ng CAFGU, at isa pang sundalo, ang isang 15-taong-gulang na batang babae na pauwi mula sa isang sayawan sa Barangay Hinagonoyan noong Abril 12.
Samantala, patuloy na pinagbabawalan ng 20th IB ang mga magsasaka sa lahat ng barangay na sakop ng mga operasyong kombat nito na magdala ng bigas o anumang iba pang pagkain sa kanilang mga sakahan. Kinokontrol din ng mga sundalo ang galaw ng mga magsasaka at nagpapataw ng curfew.
Sa Davao City at Davao de Oro, ginipit at pilit “pinasusurender” ng mga sundalo ng 10th ID ang mga lider-manggagawa sa rehiyon na sina Carlo Olalo at Melodina “Melod” Gumanoy. Pinuntahan sila at kanilang mga pamilya noong Abril 23 at 26.
Sa Negros Occidental, inaresto ng 79th IB at mga pulis ang dalawang menor-de-edad na magkapatid na edad 16 at 17 sa Sityo Humayan, Barangay Pinowayan, Don Salvador Benedicto noong Abril 25. Ipinaparada sila ng 79th IB bilang mga naarestong “batang mandirigma” ng Bagong Hukbong Bayan.
Sa Albay, nasugatan sa pamamaril ng mga sundalo sina Ace Diano at Francis Leteral sa Barangay del Rosario, sa Jovellar noong Abril 25. Iligal na inaresto at pinadapa din ng mga berdugo ang magtiyuhin na sina Ernesto Lumangaya at Arlan Lumangaya, ngunit nakatakas din.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://philippinerevolution.nu/2024/05/07/20th-ib-salot-sa-mamamayan-ng-northern-samar/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.