August 07, 2023
Nagprotesta sa iba’t ibang syudad sa Pilipinas ang humigit-kumulang 12,000 noong Hulyo 24 para ilahad ang tunay na kalagayan ng sambayanan, kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan, 10,000 ang mga lumahok sa isinagawang kilos-protesta sa Commonwealth Avenue sa Quezon City simula umaga hanggang tanghali. Nagkakaisa nilang sigaw ang: “Dagdag na sahod, kabuhayan, at pagkain sa mesa! Itigil ang karahasan! Kapakanan ng masa, hindi Maharlika!”
Sa protesta, sinunog ang effigy na tinawag nilang “Doble Kara” na isang kulay-gintong barya na may dalawahang-mukha ni Marcos Sa isang panig ng barya, ipinakita ang nakangiting mukha ni Marcos na naka-peace sign bilang simbolo ng kanyang mga pangako, at sa kabilang panig ang kanyang mukha bilang isang magnanakaw.
Nakiisa sa pagkilos ang delegasyon ng mga progresibong grupo mula sa Southern Tagalong na nagsimulang bumyahe mula sa rehiyon noong Hulyo 21. Bago ang SONA, naglunsad ng protesta ang grupo sa Chinese Embassy sa Makati at sa embahada ng US sa Maynila.
Lumahok din sa pagkilos ang mga grupo mula sa Central Luzon, Cordillera at ibang mga kalapit na rehiyon sa pambansang kabisera.
Kasabay nito, nagtipon ang mga demokratikong grupo sa mga syudad ng Baguio, Naga, Iloilo, Roxas, Cebu, Tacloban, at Davao, at sa Aklan at Capiz sa Panay. Sa Cebu City, higit 600 ang lumahok sa martsa sa Metro Colon.
Nakiisa sa protesta ang mga bilanggong pulitikal sa Metro Manila at isla ng Negros. Mahigit 100 detenidong pulitikal sa isla ng Negros at 29 sa Bicutan sa Metro Manila ang naglunsad ng 24-oras na pag-ayuno para ipanawagan ang pagpapalaya laluna ng matatanda at maysakit na bilanggong pulitikal.
Nagtigil-pasada naman ang mga drayber at opereytor ng dyip para ipabasura ang programang public utility vehicle (PUV) phaseout ng gubyerno. Sa Bacolod City, tinatayang 700 drayber ng dyip ang lumahok sa tigil-pasada
Nagsagawa naman ng “strike booking” o hindi pagtanggap ng trabahong deliberi ang tinatayang 7,000 drayber at rider (mga nagdedeliber na nakamotorsiklo o bisikleta) ng Lalamove. Nilahukan ito ng mga rider sa Metro Manila, Batangas, Quezon, Laguna, Cebu, at Davao.
Samantala, nagsagawa ng mga aktibidad at protesta ang mga progresibong organisasyon at migranteng Pilipino sa ibayong dagat. Itinampok ang kalagayan ng mga migrante sa mga isinagawang pagtitipon sa Boston, Oregon, Chicago, San Franciso, Los Angeles, Seattle, New York at Washington D.C. sa US; sa Vancouver, Ottawa, Toronto, Alberta, Winnipeg at Montreal sa Canada; Hong Kong, Japan, South Korea, Thailand, New Zealand at Australia.
SONAng walang pagbabago
Walang bago sa islogan na “Bagong Pilipinas” na buladas ni Ferdinand Marcos Jr sa kanyang SONA, reaksyon ng Bayan sa talumpati ni Marcos. Pagtatangka lamang itong tabunan ang malawak na kagutuman, kawalang trabaho, mababang sahod at kahirapan ng malawak na sambayanan.
“Ang Bagong Pilipinas, tulad ng Bagong Lipunan ng diktadurang Marcos, ay nagbubulalas ng grandyosong mga pangako ngunit lubhang kapos sa aktwal na benepisyo para sa taumbayan,” pahayag nito.
Pinansin ng mga demokratikong grupo ang pananahimik ni Marocs sa kagyat na mga usapin ng mamamayang Pilipino tulad ng karapatang-tao, makabuluhang dagdag-sahod, paglikha ng trabaho, reklamasyon, pambansang industriyalisasyon at pagtatanggol sa soberanya.
“Habang may mga ‘pangako’ para sa pagpapaunlad sa agrikultura, wala itong silbi sa harap ng patakaran sa importasyon ng mga produktong agrikultural,” ayon sa Bayan.
Binatikos ng mga grupo ang mga kasinungalingan, gayundin ang mga programang itinutulak ni Marcos sa kanyang SONA. Ilan lamang dito ang pagrepaso sa mga tuntunin sa pangisdaan na disbentahe sa maliliit na mangingisda, dagdag bayarin para sa mga migrante at samutsaring mga panukalang buwis na balak nitong ipataw sa hinaharap.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://philippinerevolution.nu/2023/08/07/sona-ng-bayan-walang-bago-sa-pilipinas/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.