August 07, 2023
Itinakwil ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng Bagong Hukbong Bayan ang balak ni Ferdinand Marcos Jr na magdeklara ng amnestiya para sa lahat ng magsusuko ng rebolusyonaryong armadong adhikain ng sambayanang Pilipino. Inianunsyo niya ang planong ito sa kanyang State of the Nation Address noong Hulyo 24.
Nasa unahan ng kahibangang ito ang National Task Force-Elcac na nagsasabing may 30,000 nang mga “sumukong may kaugnayan sa Partido Komunista ng Pilipinas” ang maaaring gawaran ng amnestiya. Ang totoo, kalakhan ng mga “sumuko” na ito ay mga sibilyang sapilitang pinasurender at sinampahan ng gawa-gawang mga kaso.
“Nananatiling matapat ang mga komunista at rebolusyonaryong mandirigma sa mga mithiin ng mamamayang Pilipino,” ayon sa PKP, sa pamamagitan ng upisyal nito sa impormasyon na si Marco Valbuena. Higit na malaki kumpara sa anumang alok na amnestiya ang rebolusyonaryong adhikain. “Kumikilos ang mga rebolusyonaryo hindi para sa makasariling paghahangad ng ganansyang personal, kundi dahil sa buong-pusong katapatang maglingkod at makibaka kasama ang sambayanan.”
Ipinakikita ng kasaysayan kung paanong ginamit ng kolonyal, at sa kalauna’y neokolonyal na kontra-rebolusyonaryong estado ang amnestiya bilang inasukalang bala laban sa mga pwersang rebolusyonaryo. Ang kolonyal na gubyerno ay nag-alok ng amnestiya sa tagapagtanggol ng kalayaan na Pilipinong si Macario Sakay noong 1905, ngunit pinatay din sa kalaunan noong 1907. Noong 1946, ang ilang mga lider ng Hukbalahap (Hukbong Mapagpalaya laban sa Hapon) ay nalansi ng amnestiya ni Elpidio Quirino bago sila tuluyang patayain pagkatapos ng ilang buwan.
Matapos maluklok sa poder sa kumbinasyon ng kudetang militar at higanteng kilusang masa, natulak sina Corazon Aquino at Gloria Arroyo na magdeklara ng amnestiya at palayain ang marami-raming bilanggong pulitikal. Ngunit hindi naglaon ay naglunsad ang kanilang rehimen ng brutal na gera ng panunupil na kinatangian ng mga pagpaslang at pagmasaker.
“Pagsasangang-dila ang pag-aalok ni Marcos ng amnestiya sa mga susuko, habang halos 800 bilanggong pulitikal ang nasa kulungan, at araw-araw, inaaresto at inuusig ang mga tao dahil sa kanilang paniniwalang pampulitka at paninindigang panlipunan,” ayon sa PKP. Sa ilalim ng tinatawag nitong “gera kontra teror,” ang mga organisasyong masa kahit saan ay sinusupil at inaatake, gamit ang ekstra-ordinaryong mapanupil na kapangyarihan sa ilalim ng Anti-Terrorism Law.
Ganap na walang katotohanan at malayo sa reyalidad ang pahayag ni Marcos na ang “mga programang para sa kaunlaran at kabuhayan sa komunidad” ay epektibong “nakatutugon sa ugat ng sigalot sa kanayunan.”
Ipinagyabang niya ang Barangay Development Program (BDP) at Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), ang mga farm-to-market road at ang “New Agrarian Emancipation Act,” na pawang nagpapanatili sa batayang mga suliranin ng inhustisyang panlipunan at kahirapan, na nakaugat sa usapin ng kawalan ng lupa.
Ang deklaradong plano ni Marcos na maglabas ng proklamasyong amnestiya ay alinsunod sa tinaguriang “lokalisadong usapang pangkapayapaan” at “kampanyang pagpapasuko” kung saan ang mga komunidad sa kanayunan ay sinasakop ng militar (hamlet) at ipinaiilalim sa mga operasyong saywar, intelidyens at kombat ng AFP. Sa nagdaang limang taon, ilampung libong mga sibilyan ang huwad na ipinaradang mga “sumurender” nang hindi kinakasuhan sa korte, taliwas sa kanilang mga karapatang sibil at pampulitika.
Araw-araw pinahihirapan ang masang magsasaka ng lumulubhang mga porma ng pang-aapi at pagsasamantala. Laganap sa kanayunan at walang pakundangan ang pang-aabusong militar at pulis, sadyang mga pagpatay, tortyur, labag sa batas na detensyon, sapilitang pagkawala at iba pang mga paglabag sa karapatang-tao.

“Higit kailanman, kagyat, makatarungan at kinakailangan isulong ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka, katuwang ang lahat ng iba pang mga porma ng pakikibaka,” ayon pa sa PKP. Si Marcos mismo, bilang negatibong halimbawa, ang nagpapakita sa mamamayan ng pangangailangang mag-armas at tahakin ang landas ng armadong paglaban.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://philippinerevolution.nu/2023/08/07/basura-ang-alok-na-amnestiya-ni-marcos-jr/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.