August 07, 2023
Sukdulan ang pagiging peste sa buhay at kabuhayan ng katutubong Mangyan at mamamayang Mindoreño ang 203rd IBde. Mahaba ang listahan ng paglabag ng brigadang ito sa karapatang-tao at paghahasik ng teror mula nang mapadpad ito sa isla. Nagsilbi itong protektor ng mga dayuhang kumpanya at malalaking lokal na kumprador na nagdadambong sa lupang ninuno ng mga Mangyan at nangwawasak sa kalikasan.
Sa tala ng Ang Bayan sa espesyal na ulat nito kaugnay sa mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao sa unang taon ng rehimeng Marcos Jr, dalawa ang ekstrahudisyal na pinaslang at siyam ang biktima ng mga kasong pang-aaresto, pagdukot at pagbabanta, panggigipit at intimidasyon. Kabilang dito ang kaso ng dalawang aktibistang katutubo na sina Mary Joyce Lizada at Arnulfo Aumentado na dinukot ng mga sundalo noong Abril 26 sa Barangay Sta. Teresita, Mansalay, Oriental Mindoro.
Sa buong bansa, panlima ang isla sa may pinakamaraming kaso ng abusong militar. Sa datos ng National Democratic Front-Mindoro, hindi bababa sa 55,000 sibilyan ang nabiktima ng hibang na kampanyang supresyon at panunupil mula nang maupo si Marcos sa poder.
Tuluy-tuloy ang mga operasyong kombat ng brigada, kasabwat ang Regional Task Force-Elcac ng MIMAROPA mula pa panahon ng rehimeng Duterte. Higit 126,000 mamamayan ang pininsala nito kabilang ang 40,348 biktima mula sa 15 komunidad na nilukuban ng mga “operasyong pangkomunidad.”
Pinakahuling biktima ng brigada si Pedro Ambad, isang Hanunuo-Mangyan, na dinukot sa Sityo Kilapnit, Mansalay, Oriental Mindoro noong Hulyo 13. Binugbog at ininteroga siya ng mga sundalo ng 4th IB at pilit na pinatuturo kung saan ang itinago umano ang “armas ng BHB.” Pinakawalan siya matapos ang 12 oras. Nabali ang kanyang tadyang dahil sa tindi ng pambugbog. Makalipas ang ilang araw ay pinasok naman ng mga sundalo ang bahay ng kanyang kapatid na si Admiraw Ambad ngunit hindi nila ito naabutan. Dahil sa panggigipit, napilitang lumikas ang limang pamilya sa kanilang komunidad, iwan ang kanilang kabuhayan at itigil ang pag-aaral ng mga bata.
Liban dito, hinuli noong Mayo 23 ng mga pwersa ng 68th IB ang apat na katutubong Buhid sa isang tsekpoynt sa Barangay Manoot, Rizal, Occidental Mindoro. Sapilitan silang dinala sa kampo militar kung saan ipinailalim sila sa interogasyon at tortyur. Kinabukasan, isinama sila sa operasyong kombat para “maghanap ng mga myembro ng BHB” pero sa aktwal ay nambugbog at nanghuli ng mga sibilyan, kabilang ang isa pang katutubong Buhid.
Ang paninibasib ng 203rd IBde laban sa mga sibilyan ay bahagi ng pagtatanggol nito sa mga proyektong pang-imprastruktura na sumisira sa kabuhayan ng mga Mindoreño. Kabilang dito ang mga kumpanya sa pagmimina ng bato (armour) na sangkap ng semento na pinahintulutang mag-opereyt sa isla. Isa pang proyekto ang pagtatanim ng mga komersyal na puno sa mga kaingin ng mga katutubo.
Ginagamit ng brigada, kakuntsaba ang lokal na gubyerno, ang proyektong Tamaraw Reservation and Expansion Project (TREP) para palayasin ang mga katutubo sa kanilang lupang ninuno sa Rizal, sa tabing ng pangangalaga sa mga tamaraw. Ang tamaraw ay isang uri ng kalabaw na orihinal sa Pilipinas at pinangangambahan nang maubos.
Ano ang 203rd IBde?
Taong 2001 nang binuo ang 203rd IBde sa ilalim ng 2nd ID na diumanoy nag-espesyalisa sa “jungle warfare” o pakikidigma sa gubat. Primaryang pwersang pangkombat nito ang 68th IB at 76th IB.
Nakahimpil ang brigada sa hedkwarters nito sa Barangay Pag-asa, Bansud, Oriental Mindoro. Saklaw ng operasyon nito ang dalawang prubinsya sa isla ng Mindoro.
Ang brigada ay kasalukuyang pinamumunuan ni Brig. Gen. Randolph Cabangbang na itinalaga sa pusisyon noong Abril. Nagsilbi si Cabangbang bilang kumander ng Presidential Security Group ng rehimeng Duterte. Naging hepe din siya ng 2nd ID at pangalawang kumander ng Task Force Davao. Myembro si Cabangbang sa Philippine Military Academy “Sambisig” Class of 1991.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://philippinerevolution.nu/2023/08/07/203rd-ibde-peste-sa-mangyan-at-mamamayang-mindoreno/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.