Wednesday, August 9, 2023

CPP/Ang Bayan: 3 pinatay, 9 iligal na inaresto sa 10 araw

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Aug 7, 2023): 3 pinatay, 9 iligal na inaresto sa 10 araw (3 killed, 9 illegally arrested in 10 days)
 





August 07, 2023

Magkakasunod ang mga pagpatay at pang-aaresto nitong nagdaang dalawang linggo, laluna sa isla ng Negros.

Sadyang pinatay ng mga sundalo ng 62nd IB si Marvic Ebarle at Romy Catasio sa Balunggay, Barangay Montilla, Moises Padilla, Negros Occidental noong Hulyo 20. Pinagbabaril sila habang nag-aabang ng masasakyan. Si Ebarle ay sugatang Pulang mandirigma na nagpapagaling sa bahay ni Catasio sa Inarawis, Barangay Quintin Remo.

Sa Quezon, pinatay ng mga pulis si Isagani Isita at pinalalabas na “nanlaban” habang hinahainan ng mandamyento de aresto noong Hulyo 30 sa Sariaya. Dating lider-masa si Isita sa Batangas na nagpasyang sumapi sa hukbong bayan matapos kumaharap sa kabi-kabilang panggigipit mula sa estado.

Pag-aresto at detensyon. Walong magsasaka ang iligal na inaresto ng 15th IB sa Tugas, Barangay Pinggot, Ilog, Negros Occidental noong Hulyo 29. Idinadawit sila sa armadong opensiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Ilog noong Enero 28.

Bago ang insidente, idinetine din ng 15th IB nang ilang oras ang magkapatid na sina Jemson at Gaujel Villar sa Camboguiot, Barangay Camindangan, Sipalay City, noong Hulyo 22. Pinakawalan lamang sila matapos igiit ng kani-kanilang mga asawa ang kanilang paglaya.

Inaresto at ikinulong naman ng pulis si Lodorico But-ay, 68, ng Cunalom, Barangay Carabalan, Himamaylan City noong Hulyo 28. Pilalabas ng militar na kumander ng milisyang bayan si But-ay at sinampahan ng gawa-gawang kasong panggagahasa. Kasapi siya ng Farmers Association of Barangay Carabalan.

Pambobomba. Kinanyon ng 62nd IB ang magkakalapit na komunidad ng Barangay Villegas, Guihulngan City, Negros Oriental alas-5 ng umaga noong Agosto 5. Liban dito, ginamitan ng mga pulis ng grenade launcher ang Barangay Magsaysay noong Agosto 3.

Pamamaril. Pinaulanan ng bala ng 31st IB ang bahay ni Erwin Vista, kapitan ng Barangay Alin, Donsol, Sorsogon noong Agosto 4. Ganti ito ng mga sundalo matapos magreklamo si Vista sa pagkakampo ng mga sundalo, pagkakalat ng basura at pag-iwan ng dumi sa banyo ng evacuation center ng barangay.

Pagpapasurender. Ipinarada ng mga pulis si Tonying Sulano, isang magsasakang sa Barangay Nagbagang, Santa Catalina, Negros Oriental, bilang diumano’y “sumurender” noong Hulyo 30. Ilang taon nang paulit-ulit na ginigipit ng pulis at militar ang pamilyang Sulano.

Panggigipit. Sa Batangas, perwisyo ang dala ng operasyong kombat ng 59th IB sa Barangay Putol, Tuy simula Agosto 3. Nagbababahay-bahay at hinahanap ng mga sundalo sa komunidad si Jaysie Balugna, kilalang lider-masa ng Tuy.

Sa Negros Occidental, niransak ng mga sundalo ng 79th IB ang mga bahay ng mga magtutubo sa Barangay Tamlang at Barangay Malasibog sa Escalante City noong Hulyo 18. Dinahas naman ng 94th IB sina Betmar Pacheco at kanyang buntis na asawa noong Hulyo 9 sa Amaga, Barangay Buenavista, Himamaylan City.

Gawa-gawang kaso. Limang gawa-gawang kasong ang isinampa ng 59th IB laban kay Hailey Pecayo, tagapagsalita ng grupo sa karapatang-tao na Tanggol Batangan, kaugnay ng paglabag diuamno sa Anti-Terrorism Law. Aktibo si Pecayo sa paglantad sa papel ng 59th IB sa pagpatay sa 9-taon Kylene Casao noong Hulyo 18, 2022.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://philippinerevolution.nu/2023/08/07/3-pinatay-9-iligal-na-inaresto-sa-10-araw/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.