August 07, 2023
Mabilis na sumasadsad ang antas ng buhay ng mayorya ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng rehimeng Marcos. Subsob sa kahirapan at sagad na ang paghihigpit ng sinturon ng milyun-milyong pamilya. Pababa nang pababa ang kalidad ng buhay. Kulang na kulang ang panggastos sa pagkain at iba pang pangangailangan.
Labis-labis na ang pagtitiis nila sa pagdurusang bunga ng walang-awat na pagsirit ng presyo ng langis, pagkain, pamasahe, bayaring tubig at kuryente at iba pang mga gastusin sa araw-araw. Dagdag pa sa kanilang pagdurusa ang malaking pinsala sa buhay, mga bahay at kabuhayan na resulta ng malawakang mga pagbaha sa nagdaang mga linggo. Hindi na makaagapay ang masang anakpawis dahil kulang na kulang ang sahod, walang lupa at hanapbuhay, habang walang-awat ang pangangamkam ng lupa at pag-agaw sa kanilang kabuhayan at pinagkakakitaan.
Dapat tuwirang papanagutin ng sambayanang Pilipino ang rehimeng Marcos sa mabilis na pagsadsad ng antas ng kanilang buhay. Ang patuloy na pagpaimbulog ng mga presyo ay tuwirang epekto ng mga patakarang neoliberal ng rehimeng Marcos. Sinisira lalo ang mga produktibong pwersa at pinalalalim ang ekonomyang agraryo, hindi industriyalisado at atrasado. Bumababa ang kakayahan sa produksyon ng pagkain at iba pang kalakal, at lalong sumasalalay sa importasyon, dayong pangungutang at dayong pamumuhunan.
Kapalit ng pautang, ipinatutupad ng rehimeng Marcos ang mga hakbanging kontra-mamamayan at kontra-mahirap alinsunod sa mga patakarang itinakda ng International Monetary Fund, World Bank at iba pang ahensyang imperyalista. Nagsisilbi ang mga hakbanging ito sa interes ng mga dayuhang malalaking bangko at monopolyong kapitalista, at yumuyurak sa saligang mga karapatang panlipunan at pang-ekonomya ng mamamayan.
Pangunahin sa mga patakarang ito ang pagpako sa sahod upang panatilihin ang hukbo ng murang lakas-paggawa para ialok sa mga dayuhang kapitalistang mamumuhunan. Nariyan din ang pagkakaltas ng pampublikong badyet sa edukasyon, kalusugan at iba pang serbisyong panlipunan. Upang bayaran ang utang ng bansa, lalong pabigat na buwis ang ipinapataw sa masang mga konsyumer, habang kinakaltasan ng buwis at binibigyan ng samutsaring pabuya ang mga dayuhang mamumuhunan.
Lubos ding itinutulak ni Marcos ang liberalisasyon sa importasyon, partikular na sa mga produktong pang-agrikultura, na sa nagdaang mga dekada’y nagbangkarote sa milyun-milyong mamamayan at nagwasak sa lokal na produksyon. Sinasagasa rin ang ibang mga hakbanging nagbigay sa dayuhang mga monopolyong kapitalista at lokal na malaking burgesyang komprador ng kapangyarihang kamkamin ang pinagkukunan ng kita ng ilang milyong mamamayan.
Masidhi ang kawalan ng trabaho kung saan hindi bababa sa 20 milyon ang walang trabaho o pansamantala lamang ang trabaho. Milyun-milyong magsasaka, mangingisda, maging mga drayber at opereytor ng dyip, maliliit na negosyante at may maliliit na kita, ang nawawalan ng kabuhayan dahil kinakamkam ito ng mga dayuhan at lokal na malalaking kapitalista.
Pinakamalubha ang kalagayan sa kanayunan kung saan pinahihintulutan ng rehimeng Marcos ang malalaking panginoong maylupa, burgesyang kumprador at dayuhang kapitalista na kamkamin ang daan-daan libong ektarya ng lupa para sa mga plantasyon at minahan, “green” energy, ekoturismo at iba pang proyektong pang-imprastruktura. Lalo pa itinutulak ng World Bank na gawing “kabenta-benta” at “kabili-bili” ang mga lupaing pang-agrikultura. Daan-daan libong mga magsasaka ang natataboy sa lupa at pinagkakaitan ng iba pang kagamitan sa produksyon at kabuhayan na nagreresulta sa malawakang pagkabangkarote at kahirapan.
Sa ilalim ng rehimeng Marcos, lalong pang naging garapal ang korapsyon sa pinakatuktok ng burukrasya. Sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund, ieembudo ang ₱500 bilyong pondong pampubliko tungo sa pinapaburan ni Marcos na malalaking burgesyang kumprador, kroni at mga tau-tauhan. Ang kakarampot na milyunaryo at bilyunaryong ito’y nabubuhay sa karangyaan habang ang mayorya ng Pilipino’y lublob sa kahirapan at lumalalang kalagayan. Hawak mismo ni Marcos ang ilang bilyong pisong “confidential” at “intelligence” na pondong hindi tinutuos. Gamit ang salapi ng taumbayan, nagliliwaliw siya sa ibang bansa at ginagamit ang Malacañang para sa sunud-sunod na mga piging.
Dapat lumaban ang sambayanang Pilipino para ipagtanggol at bawiin ang kanilang mga karapatang panlipunan at pang-ekonomya at tutulan ang lalong pagbagsak ng pamantayan ng kanilang buhay. Dapat ipaglaban nila ang pagpapababa ng presyo ng langis, pagkain at iba pang saligang pangangailangan at serbisyo; pagtataas ng sahod at sweldo ng mga manggagawa at karaniwang kawani; pagbabasura ng mga pabigat na buwis at bayarin; pagpapababa ng upa sa lupa at presyo ng binhi at iba pang kagamitan sa produksyong pang-agrikultura; pagpawi sa usura; pagpapataas ng bentahan ng mga produktong-bukid; at pangkalahatang pangangalaga at pagpapalawak ng kabuhayan at pagkakakitaan ng masa. Ang mga ito at iba pang kagyat na demokratikong kahingian ay dapat ipaglaban ng malawak na masang manggagawa, magsasaka at iba pang anakpawis upang pigilang lalong sumadsad ang kanilang katayuang panlipunan at pang-ekonomya.
Isinusubo ng rehimeng Marcos ang sambayanang Pilipino sa bunganga ng hayok-sa-tubong mga dayuhang monopolyong kapitalista, lokal na malalaking burgesyang komprador, malalaking panginoong maylupa, at burukratang kapitalista. Ang palubha nang palubhang kalagayan ng sambayanang Pilipino ay nagdidiin sa kakagyatang isulong ang pakikibaka para wakasan ang malakolonyal at malapyudal na sistemang panlipunan at ang atrasado, agraryo at hindi industriyal na ekonomya, na nagsasadlak sa malawak na masa sa pamalagiang krisis.
Ang pakikibaka para sa mga karapatang panlipunan at pang-ekonomya ay mahigpit na nakakawing sa pakikibaka para sa pambansang demokrasya. Layunin nitong isagawa ang tunay na reporma sa lupa upang wakasan ang ilang siglong problema ng kawalan ng lupa na nagkakadena sa mayorya ng sambayanang Pilipino sa atrasado at mapang-aping sistemang pyudal at malapyudal. Layunin din nitong ipatupad ang pambansang industriyalisasyon upang paunlarin ang produktibong pwersa ng bansa, imaksimisa ang likas na yaman at lakas ng taumbayan, iluwal ang buong potensyal na lumikha para sa pangangailangan ng mamamayan.
Sa pamamagitan lamang ng pagkamit ng tunay na kalayaan mula sa kontrol ng mga dayuhan, maitatatag ang isang bansang maunlad, tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan, nakatatayo sa sariling paa at tutungo sa modernong at progresibong sosyalistang kinabuksan.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://philippinerevolution.nu/2023/08/07/makibaka-at-bawiin-ang-mga-karapatang-pang-ekonomya-at-panlipunan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.