August 21, 2023
Puspusan ang konstruksyon at paglalatag ng mga base militar ng US na tinatawag na mga “EDCA site,” gamit ang pondo ng mamamayang Pilipino at mga tau-tauhan nito sa Armed Forces of the Philippines. Noong nakaraang linggo, mismong si Defense Sec. Gilbert Teodoro at AFP chief Romeo Brawner ang nagtungo sa Lal-lo, Cagayan, para madaliin ang “upgrade” ng sibilyang paliparan para sa refuelling ng mga eroplanong pandigma ng US. Para magmukhang may silbi sa Pilipinas, gagamitin din umano ito ng mga eroplano ng AFP.
Sa Palawan, bwelado na ang pagpapalawak ng paliparan at iba pang pasilidad pangmilitar sa Balabac Island mula pa Marso 11. Bagamat pasilidad ng US, ang ₱174.62 milyong pondong ginagamit para sa Balabac Military Runway ay mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng programang TIKAS (Tatag Imprastruktura para sa Kapayapaan at Seguridad) Convergence Program nito.
Ang isla ay matatagpuan sa Balabac Strait, na dinadaanan kapwa ng mga barko ng US at China sa kani-kanilang paglalayag. Gagamitin ng US ang paliparan at ang buong isla para manmanan ang mga barko ng China na dadaan dito. Sa aktwal, hindi kaiba ang gamit ng US dito sa gamit ng China sa mga paliparang iligal na itinayo nito sa soberanong karagatan ng Pilipinas.
Liban sa paliparan, pinopondohan din ng DPWH ang pagtatayo ng isang command and control center na nagkakahalagang ₱18.32 milyon. Ang DPWH din ang nagpopondo sa pagpapalawak at pagpapalalim sa daungan sa kabilang bahagi ng isla para daungan ng malalaking war ship ng US. Tinatayang aabot sa $5.5 milyon (₱308 milyon) ang kailangang gastusin para rito. Alinsunod sa mga probisyon ng EDCA, ang mga pasilidad na ito ay papailalim sa ekstrateritoryal na kontrol ng US, kung saan maaari lamang pumasok o inspeksyunin ng mga Pilipino ang pasilidad kung may “pagsang-ayon” ang nauna.
Sa Cebu, mula sa TIKAS din ang pondong ginagamit para itayo ang isang hangar (silungan ng mga eroplano) sa Mactan-Benito Ebuen Air Base, isa sa unang limang “EDCA site.” Pinasinayaan ang konstruksyon noong Agosto 11. Kasabay nito ang konstruksyon ng isang fuel depot sa naturang airbase para sa mga eroplanong pandigma ng US. Nagkakahalaga ang proyekto ng ₱111.29 milyon.
Sa nakaraan, ang programang TIKAS rin ang nagpondo sa konstruksyon ng mga hangar at samutsaring gusali at pasilidad sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija na isa ring “EDCA site.”
Ang TIKAS Convergence Program ay nagpapahintulot sa paggamit ng pondo ng DPWH para sa pagtatayo ng mga imprastrukturang militar. Kapalit nito ang “paggugwardya” ng mga sundalo sa mga proyektong konstruksyon ng DPWH sa mga “conflict-ridden” o may armadong sigalot na lugar.
Pinasimulan ang programa ng noo’y presidente Rodrigo Duterte bilang bahagi ng pambubundat niya sa burukrasyang militar. Pinalawig ito ni Ferdinand Marcos Jr noong Mayo. Hiwalay pa ang pondong ito sa “capital outlay” na ginagamit para sa pagtatayo ng mga gusali at ibang imprastruktura na nakapailalim sa badyet ng kagawaran ng depensa.
Samantala, tuluy-tuloy ang pagdaraos ng US ng mga war game sa Pilipinas, gamit ang kalupaan, himpapawid at karagatan ng bansa. Natapos noong Agosto 19 ang 6-araw na Pacific Airlift Rally 2023 na isinagawa sa Clark Air Base sa Pampanga, Villamor Air Base sa Pasay City at sa Ebuen Air Base sa Cebu. Kalahok dito ang 14 na bansa.
Inilulusot ang war game sa tabing ng “humanitarian assistance” at “disaster relief operations.” Gayunpaman, wala itong kinalaman sa aktwal na relief operations kaugnay sa katatapos lamang na mga sakuna sa maraming bahagi ng bansa dulot ng matinding pag-ulan, pagbaha at pinsala dulot ng Bagyong Egay at hanging habagat.
Sa kasagsagan ng sakuna, hindi nakitaan ng anumang “operasyong makatao” ang mga pwersang Amerikano na nasa mga “EDCA site.” Pakitang-tao lamang silang namigay ng 1,200 foodpack at 56 solar panel sa Fuga at Calayan Islands sa Cagayan bilang “tulong” sa mga biktima ng bagyo. Ginawa ito ng US matapos kutyain ng gubernador ng prubinsya ang kawalang-pakialam ng US sa paghihirap ng mga Cagayanon dulot ng bagyo.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://philippinerevolution.nu/2023/08/21/pera-ng-pilipinas-ginagamit-sa-konstruksyon-ng-mga-base-militar-ng-us/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.