Thursday, August 24, 2023

CPP/Ang Bayan: AFP, numero unong tagapaglabag sa IHL

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Aug 21, 2023): AFP, numero unong tagapaglabag sa IHL (AFP, number one violator of IHL)
 





August 21, 2023

Magkakasunod na kaso ng paglabag sa karapatang-tao ng mga pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naitala sa Masbate, Isabela, Negros Occidental at Oriental, at Sultan Kudarat sa nagdaang mga linggo. Naganap ang mga ito sa gitna ng paggunita noong Agosto 12 sa Pandaigdigang Araw para sa International Humanitarian Law (IHL).

Dagdag ang mga kasong ito sa 954 paglabag ng rehimeng Marcos Jr sa unang taon nito sa poder.

Sa Sultan Kudarat, pinaslang ng 37th IB si Rowe Jhon Libot, boluntir na guro sa eskwelahan ng mga Lumad, noong Hulyo 27 sa Kalamansig. Pinaiimbestigahan ng mga grupo sa karapatang-tao ang pagpatay kay Libot na binansagan nilang paglabag sa internasyunal na makataong batas at mga alituntunin ng digma na aplikable sa mga lugar na may umiiral na armadong tunggalian.

Sa Masbate, dinakip ng 96th IB at 2nd IB noong Agosto 5 ang mga magsasakang sina Nonoy at Bongbong Francisco, at Ome Malaque sa hangganan ng Barangay Bonifacio at Simawa sa Uson.

Dinampot din at binugbog ng mga sundalo si Dante Dionan sa parehong lugar noong Agosto 6. Iligal namang hinalughog ang bahay at ninakawan si Letot Francisco sa Malapinggan, Barangay Sawmill, Mobo. Noong Agosto 7, walang habas na pinagbabaril ang hindi pa napangalanang isang sibilyan sa Sityo Irong-irong sa hangganan ng Barangay Mabuhay, Sawmill at Baang sa bayan ng Mobo.

Sa Isabela, ginipit at ininteroga ng mga sundalo ng 502nd IBde ang bahay ni Ka Reolita Rivera, isang nakatatandang lider magsasaka,sa bayan ng Angadanan noong Agosto 8. Ang lokal na samahan ni Rivera ay katuwang ng Danggayan Cagayan Valley, na panrehiyong samahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

Sa Negros Occidental, iligal na inaresto ng 94th IB ang 60-anyos na magsasakang si Romeo Balsimo sa Sityo Cunalom, Barangay Carabalan, Himamaylan City noong Agosto 7. Idinawit siya sa isang armadong aksyon ng BHB noong 2020 sa kalapit na lugar. Noong huling linggo lamang ng Hulyo, tinortyur at pambubugbog ng mga sundalo sa kanyang anak na si Noni Balsimo.

Sa Negros Oriental, hindi pa rin lumalayas ang mga sundalo ng 62nd IB na nagkampo sa paaralang elementarya sa Sityo Agulang, Barangay Villegas, Guihulngan City simula pa Agosto 3. Okupado pa rin ng mga CAFGU simula pa Agosto 5 ang Kambairan Elementary School sa Barangay Trinidad, Guihulngan City. Tuluy-tuloy din ang walang-pakundangan nilang panghahalughog sa mga bahay ng mga residente.

Samantala, ilang ulit na nagpaputok ang hindi kilalang mga indibidwal sa labas ng bahay ng lider-magsasakang si Alvin Dimaracut sa Tarlac noong Agosto 6. Si Dimaracut ang bagong tagapangulo ng Makisama-Tinang na naggigiit ng kagyat na pamamahagi ng lupa sa mga benepisyaryo ng reporma sa lupa sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://philippinerevolution.nu/2023/08/21/afp-numero-unong-tagapaglabag-sa-ihl/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.