August 21, 2023
Lalo pang nakapagkamal ng yaman ang mga multi-bilyunaryong Pilipino sa gitna ng pagdurusa ng mamamayan at kumikitid na ekonomya. Noong Agosto 10, isinapubliko ng magasin na Forbes ang listahan ng mga “dollar billionaire” (bilyunaryo sa halagang dolyar) na Pilipino para sa taong 2023. Sa listahang ito, lumaki nang ₱493 bilyon ang pinagsamang yaman ng 50 pinakamayamang Pilipino mula ₱3.9 trilyon tungong ₱4.44 trilyon.
Nangunguna sa listahan ang magkakapatid na Sy, kasunod si Manny Villar, Enrique Razon, Ramon Ang, at Tony Tan Caktiong at kanyang pamilya. Ang mga burgesya at burukrata-kapitalistang ito ang may pinakamalalaking kumpanya sa Pilipinas na nag-eempleyo ng libu-libong manggagawa, karamihan mga kontraktwal.
Tatlo sa kanila ay kumukontrol sa malalaking tradisyunal na partido na bumubuo sa mayorya ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso. Kontrolado ni Villar ang Nacionalista Party, na may nakaupong apat na senador at 38 kongresista. Nakaupo sa senado ang mismong asawa ni Villar na si Cynthia Villar at kanilang anak na si Mark Villar, habang kongresista ang isa pa nilang anak na si Camille Villar. Pinamumunuan naman ni Razon ang National Unity Party na may 39 kongresista, habang ang Nationalist People’s Coalition, na itinayo noon ni Eduardo Cojuangco Jr, ang pumanaw nang amo ni Ramon Ang, ay may limang senador at 33 kongresista.
Kung ihahambing, kailangang magtrabaho ang isang manggagawang may minimum na sahod ng 2.4 milyong taon para matumbasan ang yaman ni Villar.
Kung papatawan ng 1% hanggang 3% “wealth tax” o buwis ang yaman ng mga bilyunaryo, mababawasan lamang sila ng kabuuang ₱259.4 bilyon. Maiiwan sa kanila ang ₱4.18 trilyon, na mas malaki pa rin kumpara sa yaman nila noong nakaraang taon.
Samantala, naitala sa isang sarbey noong Hulyo na tumaas nang 1.5 milyon tungong 21.6 milyon ang bilang ng pamilyang mahihirap at nasa hangganan ng kahirapan sa pagitan ng Hunyo 2022 at Hunyo 2023. Gayundin, tumaas tungong 18.8 milyon o dagdag na 100,000 ang bilang ng mga pamilyang naubos ang impok o wala nang kakayahang mag-impok, mula pangalawang kwarto noong 2022 hanggang pangalawang kwarto ngayong taon.
Kumitid ang lokal na ekonomya sa loob ng tatlong magkasunod kwarto. Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumagal ang paglago ng gross domestic product (GDP) ng bansa noong Abril-Hunyo nang 4.3%, mas mababa sa 6.4% ng nakaraang kwarto at 7.1% sa huling kwarto sa 2022.
Bagsak ang lahat ng mayor na sektor, laluna ang mga produktibong sektor ng agrikultura at pagmamanupaktura. Tanging turismo at ilang pamumuhunan ang nagrehistro ng pag-unlad sa pangalawang kwarto. Hindi naganap sa Pilipinas ang tinaguriang “revenge spending” (o malakihang gastos pagkatapos ng pandemya) at sa halip ay bumagsak pa ang household consumption (paggasta ng mga pamilya) mula 8.5% sa unang kwarto tungong 5.5% sa pangalawang kwarto. Ito ay dulot ng implasyon, at kawalang hakbang ng rehimeng Marcos na dagdagan ang sahod at sweldo ng milyun-milyong manggagawa at kawani, kainutilang lumikha ng disenteng mga trabaho at pasikarin ang lugmok na ekonomya.
Patuloy na tumaas ang presyo ng bigas, gulay, isda at langis noong Hulyo sa kabila ng ipinagmayabang na pagbaba ng tantos ng implasyon tungong 4.7%. Inaasahang muli itong sisipa ngayong Agosto matapos ang taas-singil sa LRT at toll fee, linggu-linggo at matatarik na pagtaas ng presyo ng langis. Patuloy na tataas ang mga presyo nito sa harap ng manipulasyon ng monopolyong kumpanya sa langis sa suplay at presyo, gayundin ang pabigat na mga buwis na ipinataw dito ng reaksyunaryong estado.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://philippinerevolution.nu/2023/08/21/pagkamal-ng-yaman-ng-iilan-sa-gitna-ng-paghihirap-ng-karamihan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.